Lalaking nadapa dahil sa kahahabol sa relief goods pero walang naabutan, dinagsa ng tulong

Image by Apreil-Jhoiyze Juan Cabacungan-Bayucan via Facebook
  • Nadapa ang isang lalaki sa kahahabol sa relief goods pero bigo pa ring makakuha
  • Video nag-trending kaya nakatanggap ng maraming tulong si Tatay Lauriano
  • Hindi lang grocery ang nakuha ni tatay, mayroon pang perang magugugol para sa pagpapagawa ng kanyang bahay

May mga bagay talaga na hindi nakalaan para sa atin. Anuman ang gawin sa kahahabol, madi-disappoint lang minsan. Magtiwala, darating din ang biyaya. Kagaya sa isang lalaki kamakailan na nag-trending dahil sa nadapa na nga sa kahahabol ng relief goods ay hindi pa nakakuha pero inuulan naman ngayon ng tulong mula sa mga kababayan.

Image by Apreil-Jhoiyze Juan Cabacungan-Bayucan via Facebook

Ibinahagi sa Facebook ni Apreil-Jhoiyze Juan Cabacungan-Bayucan ang isang lalaki na pilit hinahabol ang nagbibigay ng relief goods sa kanilang lugar pero sa kasamaang-palad ay hindi nakakuha. Puno pa ng alikabok at putik ang mukha nito dahil sa pagkadapa.

Disappointed noon si Tatay Lauriano Anung Pattaui ng San Isidro, Iguig, Cagayan at mapapansin ang kalungkutan sa mukha; napakaway na lamang ito sa nagbibigay.

Ang disappointment na ito ng lalaki ay napalitan naman ng maraming pagtulong nang mag-trending ang video na ini-upload. Marami ang naawa at nagpadala ng donasyon.

“Nagsimula na pong dumating ang tulong para kay Tatay Lauriano Pattaui ng San Isidro, Iguig, Cagayan. Isang anak ng Diyos na OFW from South Korea ang nagbigay ng P4,000.00. Maraming salamat Madam Corazon Arriane. God bless po,” ang isa sa mga post ni Apreil-Jhoiyze.

Sunod niyang ibinahagi ang marami pang donasyon mula sa mga may mabubuting loob, “Eto pa po, local at international. God bless you in return.”

Image by Apreil-Jhoiyze Juan Cabacungan-Bayucan via Facebook

Dahil sa sunud-sunod na biyaya ay nagpasalamat ang netizen sa Panginoon at sa lahat ng tumulong. Hindi na umano niya babanggitin ang mga ito paisa-isa pero dalangin niya na sana ay patuloy silang biyayaan ng Panginoon.

Marahil ay malaki-laki na ang nakuhang tulong, nasabi ng netizen sa update na hindi na nila ibibili ng groceries ang lahat ng donasyon. Bagkus ay gagamitin ang iba sa pagpapagawa ng bahay ni Tatay Lauriano at ipambibili ng mga gamit nito.

Image by Apreil-Jhoiyze Juan Cabacungan-Bayucan via Facebook

Loading…