Lalaki nag-OOTD at umawra para sa picture-taking ng pagtanggap ng delivery package

  • “Dressing well is a form of good manners”
  • Iyan ang paniniwala ng isang netizen na hindi paaawat sa kaniyang OOTD
  • Kinatuwaan ang kaniyang mala-pictorial na pose para sa proof of delivery ng biniling produkto online

Sa panahon ng pandemya, lalong lumakas ang demand sa online shopping at delivery service. Malaki kasi ang kaginhawaang dulot nito sa mga shoppers: ang kakailanganin lamang ay smartphone at internet, at syempre ihanda ang pambayad, online man o cash. Nakatutulong pa sa mga delivery riders.

Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizens ang Facebook post ng isang netizen na nagngangalang “John Carlo Ison” kung saan makikita ang kaniyang mala-pictorial na pagpapakuha ng larawan sa delivery rider, bilang isa sa mga patunay o proof na natanggap ng customer ang ipina-deliver na item.

Imahe mula sa Facebook account ni John Carlo Ison

Oh nakita mo hinahanap mo!! Kada na lang ako may delivery lagi akong mukhang ewan. Pero today ‘di na ako makakapayag!! Pagka-receive ko ng text na may delivery ako today nag-ready talaga ko nang buong puso!” ayon sa post ng netizen.

Dagdag pa niya, “Dressing well is a form of good manners.” Aminado talaga siyang mahilig siya sa OOTD o “Outfit of the Day” kaya naman hindi na siya nagdalawang-isip pang ipakita ang kaniyang “poise and elegance” kahit para lamang ito sa dokumentasyon ng pagkuha ng produktong binili.

Ayon kay Ison, 35 taong gulang, tubong General Trias, Cavite at dating flight attendant sa Qatar Airways, mahilig talaga siya sa online shopping at OOTD.

“Tapos bigla na lang sila nagkaroon ng policy na need nila ng picture mo para sa proof of delivery. And halos lahat ng picture ko sa mga online shop is mukhang ewan talaga. Walang tulog. Walang ligo. Walang ayos at all,” salaysay ni Ison.

“That day, noong nareceive ko yung text message na I have a delivery coming, sabi ko sa sarili ko this is it! Eh mahilig talaga ako mag-outfit. So nagready talaga ako nang buong puso. Humanda kang kuyang delivery guy!” dagdag pa niya.

Imahe mula sa Facebook account ni John Carlo Ison

Noong nakaraan naman, pinag-usapan din ang “wagas” na pag-awra ng TouTuber na si Michelle Fox sa pag-pose din sa pagkuha ng picture sa kaniya ng delivery rider bilang katibayan sa pagtanggap niya ng parcel.

Vlogger ipinakita ang tamang pag-awra sa pagtanggap ng delivery parcel

Ikaw, kaya mo ba ‘yan?

Loading…