Lalaking hirap makalakad, tuloy lang sa pagbebenta ng basahan

Image capture from video by OFW JOIN FORCE - Philippine Chapter via Facebook
  • Lalaking paika-ika maglakad, tuloy ang pagbebenta ng basahan sa halagang P20
  • Bahagi ng mapagbebentahan umano ng lalaki ay ipambibili niya ng gamot
  • Umapela ang ilang netizens na sana’y tulungan ang tindero

Mayroon tayong mga kababayan na kahit may kapansanan o karamdamang iniinda ay patuloy lamang sa pagharap sa mga hamon ng buhay. Walang choice, for survival. ‘Ika nga nila, ‘wag kang susuko.

Image capture from video by OFW JOIN FORCE – Philippine Chapter via Facebook

Humakot ng atensyon sa social media kamakailan ang bidyo ng isang lalaking naispatan sa daan sa Pasig City. Ang lalaki kasi ay mapapansing hirap maglakad pero patuloy na nagtatrabaho sa pamamagitan ng pagbebenta ng basahan sa halagang P20 kada isang balot.

Maririnig sa clip ang tinig ng nagbi-bidyo kung saan binabanggit na bahagi ng napagbebentahan ng lalaki ay para sa gamot umano nito.

“Nandito po tayo sa Pasig, malapit sa palengke. Nakita ko po si tatay na may kapansanan siya, hirap siyang makalakad. Tapos po, nagtitinda po siya ng basahan sa halagang bente pesos. Para po sa gamot niya ‘yung kinikita niya. May karamdaman siya, parang hirap siyang makalakad po.”

Habang ibinabahagi ito, nakalikom na ng nasa 350,000 reactions at higit 22,000 shares ang post mula OFW Join Force – Philippine Chapter Facebook page na may caption na “Kawawa naman si tatay.”

Image capture from video by OFW JOIN FORCE – Philippine Chapter via Facebook

Umani ito ng samu’t-saring komento mula sa mga netizens, marami ang nahabag sa kalagayan ng lalaki at umaasang may mga magmagandang-loob na magpadala ng tulong para hindi na magtrabaho pa. Mayroon namang napahanga sa pagpupursigi nito.

Anang isang netizen, “Kawawa naman. Dapat si tatay ay nagpapahinga na lang sa bahay sa ganyang kalagayan niya. Tatay, pray lang po. Sana, may makapagbigay rin po ng tulong sa’yo para hindi ka na po naglalakad-lakad. Always pray po tatay. Pakatatag ka po, may awa ang Panginoon.”

Saad pa ng isa, “Salute ke tatay, sa kabila ng kalagayan niya [ay] nagsusumikap maghanapbuhay, ‘yung iba kumpleto at malakas pero nakatambay lang sa bahay. Kakahiya sa mga batugan.”

Panoorin ang video clip:

Source :

Facebook

Loading…