Lea Salonga nabahala sa answer key ng tanong sa self-learning module

Image by Lea Salonga via Instagram
  • Lea Salonga, nabahala sa tanong sa module kaugnay sa sinisimbolo ng pagpapa-tattoo
  • Ang sagot daw sa module ay ang pagiging kriminal
  • Lea: “I am this close to getting a tattoo, if only to prove a point”

Naghayag ng pagkaalarma ang pamosong mang-aawit na si Lea Salonga kaugnay sa mga self-learning module na ginagamit sa pag-aaral ngayong new normal. Sa kanyang post ay ibinahagi ni Lea ang isang quiz na nagtatanong kung ano ang sinisimbolo ng tattoo, at ayon umano sa answer key ito ay ang pagiging kriminal.

Image by Lea Salonga via Instagram

“Okay, someone would need to tell me if this thing is really ok’d by the DepEd. And so, WHAT KIND OF BS IS THIS???” ang pambungad na pahayag nito sa kanyang Facebook post.

Ang question number three ng isang quiz sa module kasi ay, “Ang tattoo ay simbolo ng ___.” Ang mga pagpipilian naman ay ang (a) pagiging kriminal, (b) pagkaalipin, (c) kagitingan at kagandahan, at (d) pagiging mababa ng katayuan sa lipunan.

Dagdag pa ni Lea, “I am this close to getting a tattoo, if only to prove a point. Can someone upload a photo of the full, unedited sheet? That whole letter A thing covers the rest of it, and we need some context.”

Batay sa mga komento sa post ng mang-aawit, pupuwedeng tama ang lahat ng mga choices. Tama ang nasa answer key, anang isa, kung ang tinutukoy ay noong panahon ng Sultanato sa Pilipinas.

Image by Lea Salonga via Facebook

Pupuwede ang ikalawang pagpipilian, anang isa, dahil tinatatakan noong una sa ibang bansa ang mga alipin para malaman kung sino ang may-ari sa kanila. Maaari rin daw ang ikaapat dahil nilalagyan ng tattoo ang mga tao noon batay sa kanilang social status sa komunidad.

Pinakamarami ang nagsabing ang ikatlong choice ang pinaka-angkop na sagot yamang bahagi na ng kultura ng mga ethnic groups sa Pilipinas ang lagyan ng tattoo ang mga ka-tribo batay sa kanilang kagitingan at kagandahan. Sabi ng isa, “Tinuro sa’min yan dati na tattoo was once reserved for great warriors, one battle won means one tattoo.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na nadismaya si Lea sa mga learning modules.

BASAHIN: ‘Que horror!’ Lea Salonga dismayado sa mga mali sa Learning modules

Photo from Pixabay

Loading…