Libo-libong mag-aaral sa Valenzuela susuplayan ng e-nutribun hanggang matapos ang 2020

Imahe mula sa Valenzuela City LGU
  • Muling ipinagpatuloy ng Valenzuela City ang pamamahagi ng e-nutribun sa mga batang mag-aaral mula kindergarten hanggang Grade 6
  • Bahagi ito ng Chikiting Food Patrol feeding program ng siyudad
  • Gawa sa squash puree na sagana sa vitamin A ang e-nutribun

Isasama ng Valenzuela City government ang 7,662 students sa pagpapatuloy ng lingguhan nitong E-Nutribun (enhanced nutribun) feeding program upang mapunan ang kakulangan sa nutrisyon ng mga batang mag-aaral at tugunan ang problema ng kagutuman at malnutrisyon na pinalala ng COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa Valenzuela City LGU

Sa pahayag ng city government, ang P9.1 million program na ito ay bahagi ng Chikiting Food Patrol, ang feeding program  ng Valenzuela City para sa mga mag-aaral mula kindergarten hanggang Grade 6 (K-6), partikular na para sa mga batang mahihina ang pangangatawan at ang timbang ay mababa para sa kanilang taas.

Katuwang ng city government ang Department of Education Valenzuela Division Office sa pamamahagi ng e-nutribuns sa mga estudyante mula sa Central District ng siyudad. Sinimulan ang pamamahagi ng masustansyang tinapay noong Martes, November 3.

Unang tumanggap ng e-nutribuns na dinala sa Malinta Elementary School ang 2,600 young pupils. Ang mga magulang nila ang kumuha ng tinapay na ang isang pack ay kasya para sa isang linggo.

“Our K-6 feeding program resumes. But because there are no face-to-face classes, the parents will be the ones to pick up the children’s Nutribun provision. One Nutribun pack is good for a week’s consumption,” wika ni Valenzuela City mayor Rex Gatchalian.

Imahe mula sa Valenzuela City LGU

Ang e-nutribun, na ideya ng Department of Science and Technology and Nutrition Research Institute, ay mas masustansyang bersyon ng nutribun na unang ipinamahagi noong 1970s bilang solusyon sa malnutrisyon.

Gawa sa squash puree na sagana sa vitamin A ang e-nutribun. Kayang punan ng tinapay na ito ang 60% ng pangangailangan ng mga bata sa vitamin A. Wala itong artificial coloring o preservatives. Sagana rin ito sa iron, calcium, potassium, zinc, at fiber.

Imahe mula sa Valenzuela City LGU

Loading…