Lisensya ng gurong may-akda sa kontrobersyal na module, hindi ipatatanggal ni Angel Locsin

Image by Angel Locsin via Instagram | Image via Facebook
  • Angel Locsin, walang balak ipatanggal ang lisensya ng gurong author ng module na binanggit na isa siyang obese
  • “Hindi naman kailangang umabot sa ganun,” ang sabi ng aktres.
  • Ayon sa DepEd official, maaaring maharap ang guro sa isang sanction batay sa existing rules and regulations ng kagawaran

Makaraang makaranas ng body-shaming dahil sa pagbanggit sa kanya bilang obese sa isang self-learning module na ginawa ng isang pampublikong guro sa Occidental Mindoro, walang balak si Angel Locsin na ipatanggal ang lisensya ni Keith Richard Firme ng Abra de Ilog National High School.

Imahe mula sa Facebook account ni Angel Locsin

Nasabi ito ng ABS-CBN Primetime Queen at Iba ‘Yan host sa comment section ng kanyang Instagram account bilang sagot sa tanong ng netizen na: “Hindi ba unethical ang ginawa ng teacher na ‘yan, which I think is enough reason to revoke his/her license?”

Kasagutan dito ni Angel, “Hindi naman kailangang umabot sa ganun.”

Sa tinutukoy na module, nakasaad kasi na, “Angel Locsin is an obese person. She, together with Coco Martin, eats fatty and sweet food in MANG INASAL fast food restaurant most of the time. In her house, she always watching television and does not have any physical activities.”

Sinundan ito ng mga katanungan sa kung ano ang sa tingin ng mga mag-aaral ay mangyayari kay Angel kung ipagpapatuloy ang lifestyle at kung ano ang epekto ng ganitong lifestyle sa isang indibidwal.

Sa isang pahayag ay sinabi ng DepEd na humihingi sila ng paumanhin sa aktres at sinabing hindi kasama ang module sa developed and quality-assured items ng DepEd Central Office kundi isang self-made assessment ng guro mismo.

Image via Facebook

Ayon kay DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio sa ANC Matters of Fact, maaaring maharap si Firme sa isang sanction batay sa existing rules and regulations ng ahensya.

Saad pa nito, “There will be an administrative process that will be initiated and appropriate sanctions for that specific misstep of the teacher will be imposed after due process.”

Imahe mula sa DepEd

Loading…