Load allowance para sa mga guro, SHS students sa public schools pinaplano ng DepEd

Imahe mula sa DepEd
  • DepEd, humiling ng P4 billion budget sa DBM na pangsuporta sa distance learning
  • Ang P3.6 billion sa naturang halaga ay gagamitin bilang load o connectivity allowance para sa mga guro at SHS students sa public schools
  • P450 kada buwan sa mga guro at P250 naman sa mga SHS students sa loob ng tatlong buwan ang ipagkakaloob na load allowance

Isinusulong ng Department of Education (DepEd) na mabigyan ng load o connectivity allowance ang mga guro at senior high school (SHS) students sa pampublikong paaralan sa susunod na taon.

Imahe mula sa DepEd

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, humiling na ang kagawaran sa Department of Budget and Management (DBM) ng apat na bilyong piso upang suportahan ang distance learning kabilang na nga ang pagbibigay ng load allowance sa mga guro at estudyante ng SHS.

Ang P3.6 billion sa halagang hiniling ng DepEd sa DBM ang ibibigay sa 3.2 million SHS students at 900,000 teacghers sa buong kapuluan.

Ang natitirang P400 million ay gagamitin naman sa printing ng mga self-learning modules, paggawa ng mga materials para sa online at braoadcast platforms ng DepEd, at pagtatayo ng radio transmitters sa  mga tinatawag na “last mile schools.”

“We recognize the importance of load allowance for our learners and teachers to deliver quality education despite these challenging times due to the COVID-19 pandemic. With support from our Congress and the DBM, we shall continue to push for more financial assistance to our stakeholders,” pahayag ni DepEd Sec. Briones.

Imahe mula sa DepEd

Sa oras na ma-release ang hinihiling na budget, ang mga guro ay tatanggap ng P450 kada buwan samantalang ang mga SHS sdtudents ay P250 kada buwan naman sa loob ng tatlong buwan.

Ayon kay DepEd Undersecretary for Administration na si Alain Del Pascua, ang connectivity load ay magagamit ng mga guro para sa pagda-download ng mga educational videos at upang mas makausap pa ang kanilang mga estudyante.

Imahe mula sa DepEd
Source :

Facebook, ABS-CBN

Loading…