Lolong mag-iitik na mahina na, nahanap ang nawawalang pamilya sa tulong ng social media

Image by Gibo Fernandez via Facebook | Image capture from FB comment by Marry Jane Manalo
  • Lolong mag-iitik, nahanap ang nawawalang pamilya sa tulong ng social media
  • Mahina na umano ang matanda at kinakailangan na ng tungkod para makalakad
  • Nawalay siya sa pamilya sa Batangas mula nang pumunta sa Cagayan

Mapalad tayo yamang nariyan na ang mga makabagong teknolohiya para magkaroon ng komunikasyon sa mga mahal natin sa buhay at mga kakilala kahit na nasa magkaibang lugar. Nagiging tulay rin ito para ang mga pamilyang minsa’y hindi na mahagilap ang isa’t-isa ay mabuo.

Image by Gibo Fernandez via Facebook

Ganito ang naganap kay Tatay Nesetas Manalo. Matagal na kasing hindi nakikita ng matanda ang kanyang mga anak o nakakausap man lamang, ayon sa concerned citizen na si Gibo Fernandez.

Mahina na, ani pa ni Gibo, ang matanda na nabubuhay sa pag-aalaga ng mga itik sa mga bukirin sa kanilang lugar. “Mahina na po si Tatay at gumagamit na ng tungkod para makalakad.”

Saad pa nito, mula nang pumunta sa Cagayan ang matanda ay natigil na rin ang komunikasyon sa kanyang pamilya sa Lubu, Batangas. Mayroon umano itong tatlong anak.

Nanawagan ang netizen sa social media na sana’y matulungan silang mahanap ng lolo ang kanyang pamilya at nang muli silang magkapiling.

Nag-trending na ang post ni Gibo na mayroong higit 740 reaksyon at nasa 10,000 pagbabahagi. At sa tulong ng mga may mabubuting loob ay nakarating sa isa sa mga anak nito na si Marry Jane.

Image by Gibo Fernandez via Facebook

Komento ni Marry Jane sa post, “Okey na po Madam. Pupuntahan na po namin ng mga kapatid ko kukuha lang po kami ng rapid test at travel pass.”

Saad ng isang netizen: “Salamat sa ating Panginoon. Siya ang gumawa ng paraan para makasama na ng mga anak ang kanilang ama at maipadama nila ang kanilang pagmamahal. Salamat Lord.”

Ani naman ng isa pa, “Nawa’y alagaan natin ang mga magulang natin habang nandiyan pa sila. Kaya naman nating gawin kung gugustuhin natin. Sana po ‘wag po pababayaan si Tatay.”

Image capture from FB comment by Marry Jane Manalo
Source :

Facebook

Loading…