Lumang post ni Gina Lopez tungkol sa kahalagahan ng reforestation, binalikan ng netizens

Imahe mula sa Facebook | Gina Lopez PH
  • Marami ang nanghinayang dahil hindi napakinggan ang panawagan ni dating Environment Sec. Gina Lopez na isailalim sa rehabilitasyon ang Marikina Watershed
  • Aniya, makatutulong ito upang hindi lumubog ang ilang lugar sakaling magkaroon ng malakas na bagyo
  • Lumubog ang ilang bahagi ng Marikina at Rizal matapos na manalasa ang Bagyong Ulysses

Lumutang ang lumang post ng namayapang dating Environment Secretary na si Gina Lopez patungkol sa pangangailangan na sumailalim sa rehabilitasyon ng Marikina Watershed upang maprotektahan ang maraming lugar mula sa paglubog sakaling magkaroon ng malakas na bagyo.

Imahe mula sa Facebook | Gina Lopez PH

“I am currently in a shoot for the second season of G Diaries. Our first episode, which will air this December will be on Pasig River…But I also wanted to visit the Marikina Watershed because many people say it needs to be reforested,” sabi ni Gina sa isang post noong Setyembre 2017 na ibinahagi ni Fr. Mark Sese.

Paalala niya, mahalagang ma-rehabilitate ito bilang proteksyon na rin sa maraming mga mamamayan.

“It is important that we rehabilitate this watershed because it is the first line of defense of Marikina, Quezon City, Antipolo, Pasig, Cainta, San Mateo, etc. against rainwater surging from the uplands of Luzon,” sabi noon ni Gina.

Imahe mula sa Facebook | Gina Lopez PH

Nagbabala rin siya noon tungkol sa masamang epekto ng quarrying doon.

“As long as there is quarrying there and the Marikina Watershed is denuded, the Pasig River water will be brown and it will become more and more shallow. And it will cause flo0ding in Metro Manila! It is imperative that the Marikina Watershed is reforested!!!”

Sa kasamaang palad ay nagkatotoo ang sinabing ito ni Gina. “Remember this? Sec. Gina Lopez of DENR already told us what we have to do. But no one listened,” sabi ni Fr. Mark.

Agosto 2019 nang pumanaw si Gina sa edad na 65 dahil sa multiple organ failure.

 

Source :

Facebook

Loading…