Free shopping! Mga kapitbahay tuwang-tuwa nang lolo’y makabingwit ng parcel sa baha

Image capture from video by Erwin Calicoy via Facebook
  • Lolo na nasa bubong ng bahay dahil sa baha, nakabingwit ng parcel na marami ang laman
  • Nagsisigaw ang mga tao na parang may nanalo na sa isang palaro
  • Sabi ng netizen, “‘Yan ang Pinoy, kahit binabaha na ay masaya pa rin”

Likas sa mga Pilipino ang pagiging masayahin, tayo ay gumagawa ng paraan para tumawa. Nang sa gayon ay mas relax na humanap ng solusyon sa problema at hindi agad tumanda. Kagaya sa isang mag-anak na tila nasa isang malaking selebrasyon ang hiyawan at kasiyahan nang makabingwit ng parcel – ito’y habang sila ay nasa bubong ng bahay dahil sa baha.

Image capture from video by Erwin Calicoy via Facebook

Makikita sa video na ibinahagi ni Erwin Calicoy ang isang lolo na may hawak na panungkit para mamingwit ng mga bagay na inaanod at maaari pang mapakinabangan. Hanggang sa isang parcel ang masungkit nito.

Dahil dito, nagsimulang isigaw ng mga kapitbahay ang pangalan ng isang pamosong e-commerce website. Binuksan ng matanda ang parcel at marami ang laman  nito kagaya ng damit, charger, cellphone, salamin sa mata, identification card at pabango.

Samakatuwid, hindi nanggaling sa e-commerce website ang parcel kundi maaaring ito’y pagmamay-ari ng isa sa mga mamamayan sa lugar at ginawa lamang lagayan ang supot. Dahil mga personal na dokumento ang laman at mga pangunahing pangangailangan, maaaring nabitawan ito ng isang residente na nag-impake.

Image capture from video by Erwin Calicoy via Facebook

Kagyat na nag-trending ang post na nakalikom na ng higit 166,000 reaksyon habang ipino-post ito.

Sabi ng isang netizen, “‘Yan ang Pinoy, kahit binabaha na ay masaya pa rin. Astig.”

Saad pa ng isa, “Katuwaan lang naman po ‘ata nila ‘yan. Sa kabila ng mga nangyari sa kanila, nagawa pa rin nilang tumawa at magsaya. Sana naman ‘wag niyong ipagkait sa kanila ‘yan.”

Panoorin ang video-upload ni Erwin:

Source :

Facebook

Loading…