Magat Dam muling nagpakawala ng tubig, mga residente sa Tuguegarao inilikas

Imahe mula sa NIA-MARIIS-DRD-Flood Forecasting and Warning System Dam Operation
  • Magat Dam muling nagpakawala ng tubig, nagbigay ng babala sa posibilidad ng pagbaha
  • Mga residente sa 2 barangay sa Tuguegarao inilikas bago ang water release ng dam
  • Nagpakawala ng tubig ang Magat Dam dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan sanhi ng low pressure area na nakaaapekto sa rehiyon

Sariwa pa man sa kanilang alaala ang malawakang pagbaha dahil sa bagyong Ulysses dalawang linggo na ang nakararaan, napilitan na namang lumikas ang mga residente sa Tuguegarao City dahil muling nagpakawala ng tubig ang Magat Dam noong Biyernes, November 27.

Screenshot mula sa ANC video

Ayon sa tagapagsalita ng Office of Civil Defense na si Mark Timbal, inilikas ng mga lokal na awtoridad ang mga residente sa Barangay Linao at Barangay Annafunan kasunod ng babala na inilabas ng pamunuan ng Magat Dam na magre-release ito ng excess water.

Dakong alas-singko ng umaga, nagbigay ng warning ang National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) Dam and Reservoir Division na magpapakawala ito ng tubig dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan sanhi ng low pressure area na nakaaapekto sa rehiyon.

Umabot sa 189.09 meters above sea level (MASL) ang water level ng dam dakong alas-dos ng hapon. Dalawang spillway gates ang binuksan upang hindi maabot ang 193 MASL spilling level nito.

“According to Cagayan Valley Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC 2), residents of Barangays Linao and Annafunan of Tuguegarao City have been evacuated as a precautionary measure. Residents cooperated with local authorities, being already accustomed to these precautionary activities, and are now being housed in designated core shelters,” sabi ni Timbal.

Imahe mula sa NIA-MARIIS-DRD-Flood Forecasting and Warning System Dam Operation

Ayon pa kay Timbal, binabantayan ng mga local govenrment officials ang water level ng ilog sa ilang bahagi ng Cagayan at Isabela upang ilikas ang mas marami pang residente sakaling magpatuloy ang pagbuhos ng ulan.

Loading…