Netizen nakiusap na bumili sa mga naglalako bilang tulong sa kanila

Image shared by Pilipinas Trending via Facebook
  • Netizen first customer ng matandang naglalako ng otap kahit magga-gabi na
  • Naawa siya nang malamang ang mapagbebentahan ang inaasahan ng matanda para makabili ng bigas
  • Aniya, “He doesn’t beg for alms but at least buy one and you will be blessed with their smile”

Magandang tangkilikin natin ang mga produkto ng mga street vendors at hindi na makipagtawaran pa yamang nagbebenta sila hindi naman para kumita nang malaki kundi upang mairaos lamang ang araw-araw na pamumuhay. Marami ang basta-basta na lamang sila dinaraanan kahit na nangangalabit na sa pagnanais na makabenta.

Image shared by Pilipinas Trending via Facebook

Marami ang naantig sa naging karanasan ng isang netizen kamakailan na naibahagi sa Facebook page na Pilipinas Trending. Anang netizen, nilapitan niya ang isang maglalako ng otap sa Market! Market! sa Taguig na nakilala niya sapagkat na-post na ito noon sa social media.

Napansin niyang maraming tao sa lugar pero dinadaan-daanan lamang ang pobreng maglalako.

Nang makalapit na siya rito ay bumili siya, pero nasaktan daw siya nang malamang siya ang unang customer ng matanda kahit na malapit nang magtakip-silim noon. Ang inaasahang mapagbebentahan ng matanda na nakilalang si Tatay Romy ang siyang pag-asa nito para makabili ng bigas.

“Around 5 pm na rin ‘to yesterday. Nasaktan ako nung nasabi niyang ako pa lang unang bumili sa kanya at ipambibili daw niya ng bigas ‘yun. Imagine the small gesture we can offer to support them, he doesn’t beg for alms but at least buy one and you will be blessed with their smile,” ang bahagi ng post.

Image shared by Pilipinas Trending via Facebook

Kung kaya raw nating bumili ng mga branded items ay maliit na bagay lamang ang P150.00 para makabili ng otap sa matanda para naman may pangkain ito. Hindi rin naman mahal ang presyo nito at sa malamang ay kakakaunti ang tubo.

Maraming netizen ang naawa sa kalagayan ng matanda. Sabi ng isa, “Bumili naman kayo kay Tatay para meron siyang pambili ng bigas.”

Image shared by Pilipinas Trending via Facebook
Source :

Facebook

Loading…