Makaraan ang anim na taon, Tanya Garcia nagbabalik sa Kapuso Network

Image by Tanya Garcia via Facebook
  • Tanya Garcia, nagbabalik sa GMA Network para sa upcoming series na Babawiin Ko Ang Lahat
  • Makakasama niya rito sina Pauline Mendoza, Carmina Villaroel at John Estrada
  • Isa siya sa top actresses ng Kapuso Network bago nagdesisyong magpokus sa pribadong buhay bilang asawa ni Gov. Mark Lapid

Nagbabalik na sa Kapuso Network ang aktres na si Tanya Garcia para sa upcoming Afternoon Prime television series na Babawiin Ko Ang Lahat. Anim na taon ito mula nang huli siyang gumawa ng serye sa GMA para sa soap na Strawberry Lane.

Image by Tanya Garcia via Facebook

Makakasama niya sa Babawiin Ko Ang Lahat sina Pauline Mendoza, Carmina Villaroel at John Estrada. Karagdagan pang miyembro ng cast sina Dave Bornea, Liezel Lopez, Therese Malvar at Manolo Pedrosa. Ididirihe ito ni Jules Katanyag.

Wala pang inanunsyong airing date ang serye pero nagkaroon sila ng virtual meeting noong November 14, 2020. Kasalukuyang naka-lock-in taping ang mga cast nito dahil pa rin sa pandemya.

Matatandaang isa si Tanya sa mga top stars ng GMA Network noong early 2000s. Nakilala siya ng husto sa pagganap sa papel na Cecilia Fulgencio / Margarita Zalameda sa isa sa longest-running soap operas ng TV station na Sana ay Ikaw na Nga ka-partner si Dingdong Dantes.

Nasundan pa ito ng Twin Hearts ka-love team muli si Dingdong. Naging bahagi rin siya ng Super Twins, Amaya, Mulawin, at iba pang Kapuso shows.

Image by Tanya Garcia via Facebook

Kalaunan ay nagdesisyon siyang magpahinga muna sa entertainment industry para mag-pokus sa kanyang pribadong buhay kasama ang asawang si Pampanga Governor Mark Lapid.

Napanood din siya bilang bahagi ng ABS-CBN shows na Ningning, La Luna Sangre, Asintado at The Blood Sisters.

Positibo naman ang komento ng mga tagahanga ng GMA Network sa pagbabalik-Kapuso ng aktres.

Image by Tanya Garcia via Instagram

Loading…