Malaki at malalim na uka sa lupa na matatagpuan sa Albay pinangangambahan

  • Nakabibigla ang malaki at malalim na uka sa Albay
  • Pinangangambahan ito ng mga residente
  • Dulot umano ito ng “soil erosion”

Pinangangambahan ang malaki at malalim na uka o soil erosion sa Barangay San Roque na matatagpuan sa Malilipot, Albay na posibleng maging banta sa buhay ng mga residenteng naninirahan sa paligid o ibabaw nito, anomang oras.

Makikita sa Facebook post ng Philippine Emergency Alerts ang mga kuhang larawan ng napakalaking uka, na nagmula naman sa isang concerned netizen na nagngangalang “Wendy Bites.”

Imahe mula sa Facebook page na Philippine Emergency Alerts / Wendy Bites

“Isang malaking soil erosion ang kasalukuyang nagaganap sa San Roque, Malilipot, Albay. Pinapalikas na rin ng barangay ang mga residenteng nasa malapit na lugar kabilang na din ang mga residente sa Brgy. San Jose upang maiwasan ang anomang aksidente,” ayon sa kanilang caption.

Tumutukoy ang soil erosion sa “displacement of the upper layer of soil; form of soil degradation, which is a natural process caused by the dynamic activity of erosive agents, that is, water, ice, snow, air, plants, animals, and humans.” Samantala, maaari din itong dulot ng mga aktibidad o gawain ng mga tao tulad ng pagmimina o pagtotroso.

Palagay naman ng mga residente, indikasyon umano ito na hindi na matibay ang kapit ng lupa sa naturang lugar dahil sa kawalan ng mga puno.

“The prize we have to pay. And still we don’t listen. Praying for everybody,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Grabe na po nagaganap sa ating bansang Pilipinas, tinaguriang Perlas ng Silanganan. Pangalagaan po natin ang kalikasan at lahat na nilikha ng Panginoon. Manalangin po tayo at patuloy na hilingin ang Kanyang awa at patnubay.”

Imahe mula sa Facebook page na Philippine Emergency Alerts / Wendy Bites

“Unti-unti na nating nararamdaman at nararanasan ang kapabayaan natin sa mundong sa atin ay pahiram lang. For those who are doing illegal loggings, illegal minings, please stop it, hindi ninyo madadala sa hukay ang milyong kikitain ninyo na ‘yan kapag binawi na ng Poong Maykapal ang mundong ating ginagalawan,” pahayag naman ng isa.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring hinihikayat ng lokal na pamahalaan ng Albay ang paglikas at pag-iingat ng mga residenteng naninirahan malapit sa naturang malaki at malalim na uka. Ang Albay ay matatagpuan sa Bicol, kung saan matatagpuan ang sikat na Bulkang Mayon.

Loading…