Malaking steel bar na nakakabit sa ginagawang Skyway extension bumagsak, ilang sasakyan tinamaan

Imahe mula a MCDDRM
  • Malaking bakal na bahagi ng ginagawang Skyway extension bumagsak
  • Anim na sasakyan ang nabagsakan ng girder
  • Sinabi ng contractor na tumagilid ang isang crane at tumama iyon sa girder ng Skyway kaya iyon bumagsak

Hindi bababa sa apat na tao ang nasaktan at isa ang sinawimpalad na hindi nakaligtas nang bumagsak ang isang girder o malaking steel bar mula sa ginagawang Skyway extension sa bahagi ng East Service Road sa Barangay Cupang, Muntinlupa City umaga nitong Sabado, November 21.

Imahe mula a MCDDRM

Ayon sa statement ng EEI Corporation, ang contractor para sa Skyway extension project, tumagilid ang isang crane habang ipinoposisyon ito para sa susunod na gagawin, ngunit tumagilid iyon at ang boom nito ay tumama sa mahabang girder kaya ito bumagsak.

Bumagsak ang malaking bakal sa mga sasakyang dumaraan sa ilalim ng proyekto, kabilang ang isang Isuzu Adventure, Hyundai van, Toyota Vios at tatlong motorsiklo. Agad isinugod sa pagamutan ang mga biktima.

“At 8:50 this morning, a crane that was being positioned for its next task tilted and fell on the girder spanning the two posts of the north-bound Skyway extension project. The girder fell on vehicles below, killing at least one and injuring at least four persons who were rushed by ambulances from the Skyway O&M Corp. and EEI to various hospitals,” pahayag ng EEI.

Imahe mula a MCDDRM

Ayon pa sa EEI, mino-monitor nila ang kalagayan ng mga sugatan at sinusubukang makipag-ugnayan sa kanilang mga kaanak para sa tamang koordinasyon at makapagbigay ng tulong na kinakailangan nila.

“Our hearts and prayers go with the affected families. This is an unfortunate and heart-breaking accident that must not happen again. We will review immediately our safety and operating protocols as we build a strategic infrastructure for the public’s convenience,” saad pa ng kumpanya.

Nagkabuhol-buhol ang trapiko sa lugar dahil sa insidente. Mananatiling sarado ang southbound at northbound lanes ng East Service Road habang hindi pa naiaalis sa kalsada ang mga naipit na sasakyan, ang bumagsak na girder at ang tumagilid na crane.

Imahe mula a MCDDRM

Ang proyekto na nakatakda sanang matapos sa December 31 ay maaantala umano hanggang sa Pebrero ng susunod na taon.

Loading…