Malaking TV set para sa ina ang unang binili ni Rabiya mula sa cash prize na napanalunan

Imahemula kay Rabiya Mateo/Magandang Buhay
  • MUP 2020 Rabiya Mateo, umuwi sa Iloilo City noong nakaraang Huwebes, November 12
  • Ibinili niya ng malaking TV set ang kanyang ina noong araw na iyon
  • Ang TV set ang unang bagay na binili niya mula sa napanalunang cash sa beauty pageant

Isang malaking televison set ang unang binili ni Miss Universe Philippines (MUP) 2020 Rabiya Mateo mula sa napanalunang cash sa beauty pageant. Ang TV set ay para sa ina na nakipanood lang ng pageant sa kapitbahay.

Screenshot mula sa IMT video

Binili ni MUP Rabiya ang telebisyong regalo para sa ina nang umuwi siya sa Iloilo City noong nakaraang Huwebes, November 12 , para sa kanyang Homecoming event kung saan masaya siyang sinalubong ng mga kababayan sa pangunguna ni Mayor Jerry Treñas.

Isang araw bago ang kanyang homecoming, excited na nag-post si Rabiya sa kanyang social media account na uuwi na siya.

“Mapuli na ako Iloilo,” anang Miss Universe Philippines 2020.

Ginamit pa niya ang hashtag na #PaintIloiloRed tulad ng panawagan ng alkalde sa mga residenteng sasalubong sa kanilang idolo na magsuot ng kulay pula, magdala ng pulang banderitas at iba pang kulay pulang bagay para sa espesyal na araw ng pag-uwi ni Rabiya.

“We will paint the Iloilo red,” post ni Mayor Treñas sa Facebook noong November 11 kasama ang larawan ni Rabiya at ang ruta ng homecoming parade na sinimulan sa Richmonde Hotel at natapos sa Jaro Cathedral.

Imahe mula kay Mayor Jerry Treñas

“Let us show the Ilonggos’ power by wearing red. It is a day to celebrate and be proud of being an Ilonggo,” sabi pa ng mayor.

Isang araw lang nanatili sa Iloilo City ang bagong MUP at agad bumalik sa Maynila kung saan niya ipinagdiwang ang kanyang ika-24 na kaarawan noong Sabado, November 14.

Imahe mula kay Mayor Jerry Treñas

Loading…