Mamahaling halamang ‘BG Regale’ na nagkakahalaga ng mahigit P1-M ninakaw

BG Regale| Imahe mula sa Arids and Aroids Facebook
  • Nawawala umano ang mamahaling halamang BG Regale na nag-viral kamakailan
  • Pinaniniwalaang ninakaw ito subalit ‘di pa matiyak kung isang inside job ang nangyari
  • Tinatayang milyong piso ang halaga ng nasabing rare orchid na inabot ng halos 12 taon bago ma-breed

Nawawala at pinaniniwalaang ninakaw ang isa sa pinakabihira at pinakamahal na halaman sa Pilipinas na nagkakahalag ng milyong piso.

Sa Facebook post ng Arids and Aroids Nurseries, kinumpirma nitong ninakaw nga ang BG Regale at kasalukuyan nang inimbestigahan ang pangyayari upang mapatunayan na hindi ito isang ‘inside job’.

Screenshot mula sa Arids and Aroids Nurseries Facebook

Humihingi rin ng tulong ang nursery sa publiko na ipagbigay-alam agad sa kanila o sa maykapangyarihan ang anumang impormasyon kaugnay sa nasabing halamang nawawala.

“There have only been 2 plants of BG Regale released from the Nursery, one to a local Collector and one abroad. SO IF there are any other BG Regale’s that would find it way into the Market its from the STOLEN PLANT,” ayon sa Facebook post.

Ang BG Regale (Sansevieria Rorida) ay isang kakaibang hybrid cactus at pinaniniwalaang nag-iisa lang sa Pilipinas, at maging sa buong mundo.

Boyet Ganigan [L]| Imahe mula sa Plant Project Facebook
Ang nagbreed nito ay si Boyet Ganigan na siya ring secretary ng Philippine Horticultural Society. Inabot umano ng halos 12 taon bago niya nabuo ang kakaibang halaman matapos ang maraming eksperimento.

Tinatayang milyong piso ang halaga ng BG Regale dahil marami na raw nag-alok sa kaniya upang bilhin ito subalit tinanggihan niya lahat.

“May nagsabi sa amin na, ‘That’s worth a million plant!’ Kasi nag-iisa siya sa buong mundo and the process of making it took some time, a lot of effort, a lot of expenses. So the first time na nilabas namin siya which was last year, we pegged it at ONE MILLION PESOS,” ayon kay Ganigan sa Facebook post ng Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS).

Kamakailan lamang ay inamin ni Ganigan na inalok siya ng hanggang P10-M para bilhin ang kaniyang BG Regale subalit hindi niya rin ito tinanggap.

Imahe mula sa Arids and Aroids Facebook

Halaman, gustong bilhin sa halagang sampung milyong piso

“Pero hindi namin siya binebenta kasi we want to keep BG Regale sa Pilipinas. Para siyang treasure. Feeling namin it deserves na mag-stay sa Pilipinas. We don’t want others na mag-claim na sila ang may gawa,” ani Ganigan.

Umaasa naman ang mag netizen na maibabalik sa may-ari ang ninakaw na cultivar (cultivated variety of plant) sapagka’t napakahalaga nito sa kaniya.

Loading…