“Mañanita cop” Maj. Gen. Debold Sinas ang susunod na PNP chief simula November 10

Imahe mula sa PNP
  • Ang controversial cop na si NCRPO chief Sinas ang susunod na PNP chief
  • Sa Martes, November 10, magsisimula ang kanyang panunungkulan
  • Pinalitan niya sa posisyon si Gen. Camilo Cascolan na mahigit isang buwan lang nanungkulan

Sa kabila ng “Mañanita controversy, si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major General Debold Sinas ang napili ni Pangulong Rodrigo Duterte na susunod na mamuno sa Philippine National Police (PNP).

Imahe mula sa NCRPO

Inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang appointment ni Maj. Gen. Sinas sa Malacañang press briefing ngayong Lunes, November 9.

Ang appointment ni Sinas ay magiging epektibo sa Martes, November 10, kasabay ng pagtatapos ng maikling panunungkulan ni PNP chief General Camilo Cascolan na narating na ang mandatory retirement age na 56. Mahigit isang buwan lang siyang nanungkulan sa posisyon.

Sa paghirang kay Sinas, isinantabi ng Pangulo ang order of succession ng police command. Sa kanyang pag-upo bilang PNP chief, nilaktawan niya ang incumbent second-in-command na si Lieutenant General Guillermo Eleazar at incumbent third-in-command na si Lieutenant General Cesar Binag.

Ang dalawa ay parehong classmate ni Sinas sa PMP Hinirang Class of 1987.

Si Sinas ang unang iniluklok ng Pangulo sa PNP top post na hindi galing sa 1986 class.

Imahe mula sa PNA

May umugong na usap-usapan na naging malaki umano ang papel na ginampanan sa appointment ni Sinas ng dating police officer na si Royina Garma, isa sa mga dating officials na pinakapinagkakatiwalaan ng Pangulo na ngayon ay hepe na ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Isiniwalat ni Roque na pinili ng Pangulo si Sinas dahil sa napakalaking ambag nito sa kampanya laban sa ilegal na kontrabando.

Si Sinas ay manunungkulan hanggang sa May 2021, kapag narating na niya ang kanyang mandatory retirement age.

Imahe mula sa PNA

Loading…