Marikina mayor umapela ng donasyong construction materials para sa napinsalang bahay ng mga residente

Imahe mula sa Marikina PIO
  • Nananawagan si Marikina Mayor Teodoro ng donasyong construction materials para sa mga residenteng nawalan ng bahay dahil sa bagyo
  • Umapela siya sa mga construction companies na tulungan ang mga residente sa pagkukumpuni ng mga nawasak na bahay
  • Libo-libong pamilya ang nananatili pa rin sa evacuation centers sa Marikina dahil lubog sa putik ang kanilang mga bahay

Mga construction materials para magamit sa pagpapakumpuni sa mga napinsalang mga bahay ng mga residente ang panawagan ni Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro sa mga taong may mabubuting kalooban.

Imahe mula sa Marikina City LGU

Sa sampung libong pamilya na lumikas sa kasagsagan ng bagyo, nasa 3,800 families pa ang nananatili sa mga evacuation centers dahil ang kanilang mga bahay ay lubog pa sa makapal na putik.

Ang ibang pamilya naman ay nawalan ng ari-arian matapos tangayin ng rumaragasang baha ang kanilang tahanan.

“Ngayon, sa nakikita na namin ang extent ng pinsala ng bagyo, we are now requesting for housing materials for those affected and if there will be some volunteers who would like to help puwede siguro in house rebuilding,” panawagan ni Mayor Marcy Teodoro.

Sinabi pa ni mayor na welcome sa kanila ang mga construction companies na mag-volunteer upang tulungan ang mga residente sa pagkumpuni ng mga nawasak nilang mga tahanan dahil sa grabeng pagbaha sanhi ng bagyong Ulysses.

Dahil maraming Marikeño ang nangangailangan ng bahay, libreng tuturuan ng Technical Education and Skills Development Authority ang mga residente kung paano gumawa ng bahay. Bibigyan pa sila ng allowance.

Imahe mula sa Marikina PIO

“Tuturuan sila kung paano mag-home construction para sa ganun the local government or donors could provide them housing materials at ‘yung mga tao mismo ang gagawa,” ani Mayor Teodoro.

Nakikipag-usap rin ang alkalde sa mga malalaking kumpanya upang hingin ang tulong ng mga ito na mabigyan ng trabaho ang mga residenteng nawalan ng hanapbuhay dahil sa unos.

Imahe mula sa Marikina PIO

Loading…