Mascot ng Pringles chips inahit ang iconic niyang bigote

Imahe mula sa Pringles
  • Bigote ng Pringles mascot inahit sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 52 years
  • Ang pag-ahit ng bigote ni Mr. P ay bilang pakikiisa sa Movember movement
  • Ang Movember ay annual event para palaganapin ang awareness tungkol sa health issues ng mga kalalakihan

Sa loob ng 52 taon ay nakilala ng lahat si Mr. P, ang mascot ng stackable potato-based chips na Pringles, dahil sa makapal niyang bigote. Sa kauna-unahang pagkakataon simula pa noong 1968, noong katapusan ng Oktubre ay inahit na niya ito.

Screenshot mula sa video ng Pringles UK

Ang pag-ahit niya ng bigote ay bilang pakikiisa sa “Movember,” isang annual event na ginagawa sa buong buwan ng Nobyembre.

Sa Instagram account ng Pringles UK, ipinakita sa isang video ang ginawang pag-ahit sa bigote ni Mr. P, na ang opisyal na pangalan ay Julius Pringles.

“If Mr. P can do it, so can you! Join us this month for @movember,” saad sa Instagram post ng Pringles UK.

Ang “Movember” ay portmanteau ng mga salitang moustache at November. Isa itong annual charity event tuwing buwan ng Nobyembre na naglalayong makakalap ng pondo at palaganapin ang awareness tungkol sa health issues ng mga kalalakihan.

Nagsimula ang Movember movement noong 2003 sa Australia at naging opisyal na charity noong 2004, na ang pondong nakalap ay ibinigay sa Prostate Cancer Foundation of Australia. Noong taong 2007 ay lumaganap ito sa ibang bansa kabilang ang New Zealand, Canada, Spain, United States at United Kingdom.

Screenshot mula sa video ng Pringles UK

Noong nakaraang taon ay nakibahagi sa movement ang mga bansang Austria, Belgium, Czech Republic, Denmark, Finland, France, Hong Kong, Germany, Ireland, Netherlands, Norway, Singapore, South Africa, Sweden at Switzerland at nakakalap ng pondong nagkakahalaga ng $538 million.

Tinatawag na Mo Bro ang mga participants ng Movember.

Simple lang ang mga rules ng Movember. Dapat ay bagong ahit pagtungtong ng November 1. Sa buong buwan ay kailangang magpatubo ng bigote. Dapat itong alagaan at laging aayusin. Hindi pwede ang balbas at goatee. Hindi rin pwede magkabit ng pekeng bigote. Higit sa lahat, ang isang Mo Bro ay dapat umakto bilang isang true gentleman.

Screenshot mula sa video ng Pringles UK

Loading…