Masipag na lolo na pinakain ng ginang, hindi pumayag na libre ang kinain

Image by Viehl Clang Caseñas via Facebook
  • Lolong pursigido, nagbebenta ng basahan sa kabila ng edad
  • Suki ng lolo vendor nagdesisyong ilibre ng pagkain ang matanda
  • Pero hindi pumayag ang lolo na libre ang kinain

May mga indibidwal talaga na mas gustong pinaghihirapan ang kinakain at ayaw umasa sa awa ng iba hangga’t maaari. Katulad ng isang lolo vendor na inilibre ng pagkain ng suki niyang ginang pero hindi ito pumayag na libre ang kinain.

Image by Viehl Clang Caseñas via Facebook

Pagkukuwento ng netizen na si Viehl Clang Casenas, masipag umano ang lolo; araw-araw na nagbebenta ng mga basahan at kabilang sila sa mga suki nito. Yamang marami silang binibili rito araw-araw ay bigla nilang natanong, isang araw, kung nauuhaw ba ito at ang sagot ay hindi pa raw ito kumakain.

Dahil dito, napagdesisyunan ng netizen na biyayaan naman ng pagkain ang masipag na lolo. Kaya lamang ay hindi pumayag ang matanda na libre ang kinain.

“Sa sobrang bait ni lolo, binibigyan niya kami ng tinda niyang basahan para kapalit ng food na binigay namin pero ayaw naming tanggapin dahil puwede pa niya mabenta sa iba at para kumita siya, pero pinilit pa rin niya ibigay sa amin, maraming salamat po lolo.”

Saad pa ni Viehl, napakasarap umano sa pakiramdam ang makatulong sa kapuwa kahit sa maliit na bagay.

Paanyaya pa nito, kapag nakita raw ng mga netizens ang lolo’y huwag mag-aatubiling bilhin ang kanyang mga paninda sapagkat malaking tulong na ito sa nagpupursiging matanda.

Image by Viehl Clang Caseñas via Facebook

Nag-trending naman ang post ni Viehl na nakalikom na ng higit 450 reaksyon at maraming pagbabahagi. Marami ang pumuri sa kabaitan ng netizen, lalo na sa lolo.

Komento ng isa, “Salute. Sana sa mga makakita kay tatay, pakitulungan na lang po. Keep safe, everyone.”

Saad pa ng iba, “Alam n’yo napakabuti n’yong anak, mabait. Marami pa [sana] kayong matulungan na tao. Tuloy n’yo ‘yan marami balik din sa inyo. God bless.”

Image by Viehl Clang Caseñas via Facebook

Loading…