Matteo hinggil sa misis na si Sarah G: “Araw-araw may natutuklasan kami sa isa’t isa”

  • “Araw-araw may natutuklasan kami sa isa’t isa”
  • Iyan ang pahayag ni Matteo Guidecilli sa pagsasama nila bilang mag-asawa ni Sarah Geronimo
  • Siyam na buwan na silang kasal at ine-enjoy pa muna nila ang buhay-mag-asawa na sila lamang

Aminado si Matteo Guidecilli na marami silang natutuklasan ng kaniyang misis na si Popstar Royalty Sarah Geronimo sa isa’t isa habang tumatagal silang magkasama bilang mag-asawa, ayon sa panayam ng ABS-CBN News.

“Sobrang thankful ako na nakahanap ako ng asawa katulad ni Sarah, I’m very grateful,” pahayag ni Guidicelli. Matatandaang siyam na buwan na ang nakalilipas mula nang palihim na nagpakasal ang dalawa, na ikinagalit naman ni Mommy Divine; ang kilalang mahigpit na ina ni Sarah.

Public Domain Image

Hindi raw maiiwasan ang iba’t ibang “conflicts” na hindi na tinukoy ni Matteo, pero naaayos naman daw nilang mag-asawa.

“I think it’s very very normal to have conflicts here and there, you wish not to have them, but I think it’s normal to have them, what’s important is you just say, ‘It’s my fault,” pahayag ni Matteo.

Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Matteo sa kaniyang Instagram account ang larawan ng anak na babae ng kaniyang kapatid na si Baby Gianna. Makikita sa larawan na naroon din si Sarah. Tanong ng marami, kailan daw kaya sila magkakaroon ng sariling anak.

Hindi daw siya apektado kapag tinatanong sila tungkol sa baby plans, lalo pa’t dumating sa kanilang pamilya si Gianna; ang anak ng kaniyang kapatid.

“Ngayon lang kami nagkasama-sama, we are not rushing, in God’s will, God’s time it will happen,” tugon niya rito.

Parehong abala ang mag-asawa sa kani-kanilang mga programa. Aktibo si Sarah Geronimo sa ASAP Natin ‘To kung saan kahit taped performance lamang, talaga namang all-out na all-out at world class pa rin.

Imahe mula sa Facebook account ni Matteo Guidicelli / Public Domain Image

Si Matteo naman ay isa sa mga panel of judges sa “Masked Singer Pilipinas” na napapanood sa TV5 kasama sina Cristine Reyes at Aga Muhlach, hosted by Billy Crawford.

Loading…