Matteo nang tanungin kung may balak pakasalan si Sarah sa simbahan: ‘When the time is right’

Imahe mula sa Instagram | Matteo Guidicelli at Victoria Belo
  • Kung bibigyan ng pagkakataon ay gusto ni Matteo Guidicelli na magkaroon sila ng church wedding ni Sarah Geronimo sa tamang panahon
  • Para sa kaniya, mas mabuti kung mayroon nang bakuna kontra COVID sa mga panahong iyon
  • Hindi rin daw sila nagmamadali na magkaroon ng baby dahil ine-enjoy pa nila ang isa’t isa dahil hindi nila ito nagawa noong magkasintahan pa lamang sila

Umaasa ang aktor na si Matteo Guidicelli na makapagsasagawa sila ng church wedding ng asawang si Sarah Geronimo kung sakaling magkaroon na ng bakuna kontra COVID-19.

Imahe mula sa Instagram | Matteo Guidicelli

“Baka, baka when the time’s right, ‘no? Sana, of course, ‘yon naman talaga ang maganda kung may vaccine na tayong lahat,” sagot ni Matteo nang usisain tungkol sa planong pakasalan muli sa simbahan si Sarah, ayon sa Pep.

Inamin din ni Matteo na nakaramdam siya ng lungkot dahil naunsyami ang travel plans nila ng asawa dahil sa pandemya, ngunit kalaunan ay napagtanto niya raw na mas marami pa rin silang dapat na ipagpasalamat.

“Come to think about it, aside from all the negative aspects this pandemic has come upon us, we’ve realized that were very, very blessed. We realized that we have one another. We’re very thankful that we’re okay, healthy, we have food to eat,” sabi niya pa.

Imahe mula sa Instagram | Matteo Guidicelli

Darating naman daw ang pagkakataon na makapag-travel sila. Ngayon daw ay masaya na sila sa mga biyayang meron sila. “There will come a time for travelling, but as of now we’re thankful for what we have.”

Hindi rin daw nila minamadali na magkaroon ng baby ngunit kung dumating ito ay ituturing nila itong blessing. “But right now, kumbaga we’re not trying, we’re just letting life to move on, enjoying each other because we haven’t really spent time together in our boyfriend-girlfriend stage,” sabi niya.

Matatandaang naging kontrobersyal ang isinagawang private wedding ng dalawa Pebrero ngayong taon nang dumulog ang bodyguard ni Sarah si Matteo sa programa ni Raffy Tulfo dahil sinuntok niya diumano ito. Hindi rin daw alam ng pamilya ni Sarah na magkakaroon ng kasalan noon.

Source :

Pep

Loading…