Mayor Isko muling ginawaran ng ‘Man of the Year Award’ para sa taong 2020

Imahe mula sa Facebook ni Yul Servo
  • Pinarangalan si Manila Mayor Isko Moreno bilang ‘Man of the Year’ ng isang award-giving body
  • Ito na ang pangalawang pagkakataon na natanggap ng alkalde ang nasabing pagkilala
  • Inaalay naman ng alkalde ang natanggap na award para sa kaniyang mga kababayan

Sa ikalawang pagkakataon ay muling natanggap ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang ‘Man of the Year Award’ mula sa Asia Leaders Award 2020 sa kategoriyang public service.

Ang awarding ceremony ay ginanap noong Biyernes, Nobyembre 20, sa Shangrila Hotel, Makati City kung saan kinilala ang malasakit at sakripisyo ng butihing alkalde ng Maynila sa kaniyang pamumuno lalo na sa gitna ng umiiral na pandemya.

Imahe mula sa Facebook ni Yul Servo

“What matters most right now to the popular, hardworking charismatic young mayor is how to defeat COVID-19. He is everywhere and with his connections and the documentation on what he is doing, people keeps on sending him support to help the Manileños,” ayon sa write-up ng Asia Leaders Award para kay Mayor Isko.

Iniaalay naman ni Yorme ang kaniyang award para sa kaniyang mga kababayan sa Maynila.

“Inaalay ko ito sa pagkilala niyo sa akin, sa aking mga kababayan sa lungsod ng Maynila sapagkat without their opportunity given to me by the people of Manila, I will not be here tonight,” wika ng alkalde.

Pinasalamatan niya rin ang award-giving body dahil sa patuloy na pagkilala sa kaniyang mga nagawa para sa Lungsod ng Maynila. Aniya, sana ay magsilbing inspirasyon ito sa kaniya para patuloy pang paglingkuran ang kaniyang mga kababayan.

Imahe mula sa Facebook ni Yul Servo

“Ito ang ikalawang taon ng inyong pagbibigay ng pagkilala sa aming efforts, so maraming salamat sa inyo. Umasa kayo na ito ay gagamitin naming baterya o inspirasyon na patuloy magpabuti sa paglilingkod sa taumbayan mano pa sa kasagsagan ng pandemyang ito at sinasabayan pa tayo ng hambalos ng trahedya. Sa awa ng Diyos makakaraos din po tayo,” patuloy pa ni Mayor Isko.

Ang Asia Leaders Awards ay isa sa pinakamalaki at respetadong award-giving body sa bansa at ang mga nakatanggap na nito ay nagmula sa iba’t-ibang bahagi ng Asia-Pacific region. Ito ay may layong ipromote ang Pilipinas bilang isa sa pangunahing business hub at destinasyon sa Asya.

“Its Mission is to acknowledge these leaders so that they can inspire others more to do better, to help others and be the best in their industries and communities,” ayon sa website nito.

Loading…