Mayor Isko namigay ng P100K incentive sa 73 barangays na walang kaso ng COVID sa loob ng 2 buwan

Screenshot mula sa video ni Mayor Isko Moreno
  • Ipinamahagi na ni Mayor Isko ang P100,000 cash incentive sa mga barangay na walang kaso ng COVID sa nakaraang 2 buwan
  • Umabot sa 73 barangays ang nakatanggap ng nasabing incentive
  • Inilunsad ng Maynila ng nabanggit na programa sa kabila ng agam-agam ng karamihan

Namahagi na si Manila Mayor Francisco ‘Mayor Isko’ Domagoso ng P100,000 cash incentive sa 73 barangay ng lungsod na hindi nakapagtala ng kaso ng COVID-19 sa loob ng dalawang buwan.

Katapusan ng Agosto nang inansiyo ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang kanilang programa na pagbibigay ng insentibo sa mga barangay na hindi magkakaroon ng kaso ng coronavirus mula Setyembre 1 hanggang Oktubre 31, 2020.

Imahe mula sa Facebook | Isko Moreno Domagoso

Nitong Lunes, Nobyembre 9, ipinamahagi ng alkalde ang kaniyang pangakong cash incentive sa ginawang flag ceremony sa City Hall.

“Domagoso said that the local government will award P100,000 cash award to the barangays in line with his incentive-based approach to containing and delaying the spread of the infection in the city,” ayon sa Facebook post Manila PIO.

Ang mga barangay na makatatanggap ng awards ay mula sa District 1 (12 barangays), District 2 ( barangays), District 3 (20 barangays), District 4 ( barangays), District 5 (10 barangays), at District 3 (13 barangays).

“Ang goal natin ay zero COVID-19 infection for two months sa barangay, and I believe that you can do it. That is why we want to give you incentives,” wika ni Mayor Isko.

Inatasan na rin ni Mayor Isko si Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan para maglaan ng budget sa naturang programa ang Manila City Council.

Imahe mula sa Manila PIO-Facebook

Marami ang may agam-agam dati sa programang ito ng Maynila dahil maaari umanong magresulta ito sa ‘underreporting’ ng kaso ng COVID upang makatanggap lamang ng cash incentive mula sa pamahalaang lungsod.

Subalit dinepensahan ito ni Mayor Isko dahil hindi naman daw mismo ang barangay ang magsasabi kung wala nga silang kaso ng COVID kung hindi ang Manila City government sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH).

“They’re not the one who’s going to tell whether they have COVID-19 or not in their community, it is the city government and the DOH who will know if there is one patient na may positibo sa kanilang barangay,” paliwanag ng alkalde.

Loading…