Mayor ng Tuguegarao City nag-sorry, nagsisi sa pag-alis sa kabila ng banta ng bagyong Ulysses

Imahe mula sa Tuguegarao City Information Office
  • Mayor Jefferson Soriano ng Tuguegarao City, humingi ng paumanhin sa mga nasasakupan
  • Pinagsisisihan umano niya na wala siya sa Tuguegarao noong manalasa ang bagyong Ulysses
  • Ipinaliwanag ng alkalde na kahit nasa malayo siya ay nabigyan niya ng order sa pamamagitan ng Zoom ang local disaster officials upang ilikas ang mga residenteng naninirahan sa flood-prone areas

Humingi ng dispensa sa kanyang mga nasasakupan si Tuguegarao Mayor Jefferson Soriano na wala siya noon sa siyudad habang nananalasa ang bagyong Ulysses sa buong Central Luzon.

Imahe mula sa Tuguegarao City Information Office

Nitong Lunes, November 16, sinabi ng alkalde na nagsisisi siya na umalis sa Tuguegarao City upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa piling ng pamilya sa Batangas. Humingi siya ng paumanhin na hindi na-anticipate ng kanilang local government unit ang pinakamalalang pagbaha na naranasan ng kanilang lugar sa loob ng apat na dekada.

“I decided to spend my birthday – I’m really very sorry for that – with my family. This is the second time I visited my family in 8 months. I am very sorry for that. I underestimated the situation,” wika ni Mayor Soriano sa isang panayam.

Ipinaliwanag niya na kahit malayo siya sa Tuguegarao ay nabigyan niya ng direktiba ang mga local disaster officials sa pamamagitan ng Zoom upang mailikas ang mga residente na naninirahan sa mga flood-prone areas.

Aniya, November 8 siya umalis ng kanilang lugar noong wala pang storm signal na nakataas sa Cagayan Province. At nang nagpasiya na siyang bumalik noong November 12 ay maraming kalsada ang hindi na madaanan dahil sa baha kaya lalong naantala ang pagbabalik niya upang pangunahan ang rescue operations.

Imahe mula sa Tuguegarao City Information Office

“Tuguegarao was never under any storm signal. The protocol is we should be at our area once a storm will hit our area. We are preparing actually for the flooding, we took our preparations for the flooding, not really the rain because we were never under storm signal,” paliwanag ng alkalde.

Si Mayor Soriano ay nabatikos dahil sa larawan niya na kumalat sa social media habang kasama ang anak sa Batangas at nagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Magsusumite ang alkalde ng report kay Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año upang ipaliwanag kung bakit wala siya sa kanyang nasasakupan sa gitna ng pananalasa ng unos.

Imahe mula sa Instagram account ni Bea Soriano-Dee

Loading…