Mayor Vico Sotto ibinida ang digital “Pasig Pass”

  • May digital contact tracing na ang Pasig
  • Tinawag itong “Pasig Pass”
  • May manual registration naman para sa mga senior citizen

Ibinida ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang kanilang makabagong paraan ng digital contact tracing kaugnay ng COVID-19- ang Pasig Pass, na ginagamit na sa mga pangunahing supermalls sa kanilang lungsod.

“Salamat sa mga mall at iba pang establisyementong gumagamit na ng #PasigPass, ang digital contact tracing solution ng Lungsod Pasig. Nauna sa implementasyon nito ang SM Hypermart at SM East Ortigas. SAY GOODBYE TO FILLING UP CONTACT TRACING FORMS!” saad mismo ni Mayor Vico sa kaniyang mga social media accounts.

Imahe mula sa Facebook account ni Mayor Vico Sotto

“Sa Pasig Pass, mas mabilis, mas ligtas, at makatitiyak ka pang mas secure ang data mo,” giit pa ng mayor.

Para naman daw sa mga hindi marunong gumamit nito lalo na sa mga nakatatanda o senior citizens gayundi sa mga hindi maalam sa paggamit ng teknolohiya, may solusyon din ang Pasig City.

“Para sa mga walang smart phone o sumasakit ang ulo sa mga technology-technology, print out na lang natin. May mga schedule po tayo sa mga barangay para sa manual registration ng QR. Mayroon din po tayong help desk sa 2nd floor ng ating Pasig City Hall,” aniya.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Kudos to the Pasig City administration, under the tutelage of Mayor Vico Sotto. Ganiyan talaga ang mga leaders na progressive at pro-active!” papuri ng isa.

Pabirong turan naman ng isa, “Mayor Vico, puwede po ba kayong mahiram na mayor sa lungsod namin? Hahaha. Joke lang po. You are the leader of the leaders. Gagayahin na naman iyan for sure. Well dapat lang no, para hindi sila mapag-iwanan. Huwag pong tutulog-tulog sa pansitan, mga mayors diyan.”

Public Domain Image

“Sana po sa mga palengke magkaroon din para mas safe at mabilis. Salamat po sa magagandang proyekto at ideas Mayor. The Best Mayor. Proud Pasigueño,” pagmamalaki naman ng isa.

Ang contract tracing ay kinakailangang isagawa upang matunton ang mga taong nagkaroon ng contact o pakikisalamuha sa isang taong nagkaroon ng COVID-19. Sa ganitong paraan, madaling mapigilan o masawata ang anomang mabilis na hawahan, o mataya ang remedyo o solusyong maaaring isagawa.

Loading…