McDonald’s nakiisa sa Pilipinas Kontra Gutom movement

Imahemula sa Task Force Zero Hunger/McDonald's Philippines
  • Inilunsad ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang Pilipinas Kontra Gutom movement
  • Nakiisa ang McDonald’s sa kilusan na ang layunin ay wakasan ang involuntary hunger sa Pilipinas
  • Target ng kilusan, sa pamamagitan ng McDonald’s Kindness Kitchens na makapagpamahagi ng 100,000 meals sa mga komunidad sa NCR at iba pang lungsod ngayong Nobyembre

Inilunsad noong Martes, ika- 10 ng Nobyembre, ang Pilipinas Kontra Gutom movement sa pangunguna ni Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Imahe mula sa PIA

Ang kilusan ay isang multi-sectoral partnership na naglalayong wakasan ang involuntary hunger sa Pilipinas. Matatandaang batay sa resulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Station noong Setyembre, mahigit 7.6 million pamilyang Pinoy ang nakaranas ng gutom nang isang beses sa mga buwan mula June hanggang August.

Hinihikayat ng kilusang ito ang lahat ng mga organisasyon at bawat mamamayan na tumulong para mawala na ang kagutumang nararanasan ng maraming Pilipino.

Ang McDonald’s Philippines, sa pamamagitan ng Kindess Kitchens nito, ay kaisa sa target na eradikasyon ng gutom sa bansa.

Sa pakikiisa sa Pilipinas Kontra Gutom bilang isa sa mga founding members nito, lalong pinalakas ng McDonald’s Philippines ang commitment at kahandaan nito na maghatid ng tulong sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga pagkain sa mga komunidad kung saan ito nagaganap.

Imahe mula sa McDonald’s Philippines

Magmula nang ilunsad nito ang Kindness Kitchen simula nang magkaroon ng health crisis sa bansa, umabot na sa 300,000 meals ang naipamahagi ng McDonald’s sa mga komunidad at frontliners na nagangailangan.

“Serving the community has always been integral to McDonald’s and more so this time that many have been deprived of a basic need – food.  This has become worse for many of our fellow Filipinos so we continue to be in solidarity with the government and our partners in the private sector in providing meals to families,” wika ni McDonald’s Philippines President at CEO na si Kenneth S. Yang.

Simula ngayong buwan ng Nobyembre, 100,000 meals mula sa McDonald’s Kindness Kitchens ang target na ipamahagi ng kilusan sa mga komunidad sa National Capital Region at ibang mga siyudad.

Screenshot mula sa virtual launch ng Pilipinas Kontra Gutom

Loading…