Mega dike na may taas na 24 meters solusyon sa pagbaha sa Marikina – DPWH Sec. Villar

Screenshot mula sa video ni DPWH Sec. Mark Villar via Facebook
  • Isang mega dike na may taas na 24 meters ang nakikita ng DPWH na solusyon sa pagbaha sa Marikina City
  • Kasalukuyan ding ginagawa ng DPWH ang Pasig-Marikina River channel improvement project na pinopondohan ng JICA
  • Plano rin ng DPWH ang Parañaque Spillway project na magko-control sa tubig na nangggagaling sa mga kabundukan patungo sa Marikina River

Ang mega dike na kasalukuyang ginagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang inaasahang solusyon sa pagbaha sa Marikina City at sa iba pang flood-prone areas, ayon kay DPWH Secretary Mark Villar.

Imahe mula sa DPWH

Isang video ang ibinahagi ng kalihim sa kanyang social media account na nagpakita sa ongoing mega dike project. Aniya, ang istruktura ay may taas na 24 meters. Matatandaang sa kasagsagan ng bagyong Ulysses ay umabot sa 22 meters ang taas ng tubig sa Marikina River na nagresulta sa paglubog ng Marikina City sa malalim na tubig-baha.

“Nandito po tayo ngayon sa Marikina mega dike at nag-i-inspect ako ngayon. Mayroon kaming mga projects dito para lumaki ‘yung capacity ng Pasig-Marikina River,” ani. Sec. Villar.

“Ito, ang height po nito 24 meters. So, ito pinoprotektahan niya ang mga communities at naglagay din kami ng budget next year para ituloy ‘yung mega dike at maglagay pa ng mga pumping stations. Ito makakatulong talaga para mabawasan ang baha,” sabi pa ng kalihim.

Sinabi pa ni Sec. Villar na sa kabila naman ng mega dike ay ang Pasig-Marikina River channel improvement project na pinopondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Screenshot mula sa video ni DPWH Sec. Mark Villar via Facebook

“The project will increase the flood capacity of the Pasig-Marikina River. We finished phase 3 of the project. Phase 4 is the dredging of the Manggahan floodway. This will help solve flooding in Marikina,” aniya.

Isiniwalat din ni Sec. Villar ang planong Parañaque Spillway project na magko-control sa tubig na nanggagaling sa mga kabundukan patungo sa Marikina River.

Imahe mula sa DPWH

 

Loading…