Mga BI officials ipinatawag ng Pangulo, hinamong kainin ang perang nakabilot na parang pastillas

Imahe mula sa PNA

 

  • Ipinatawag ni Pang. Duterte ang 44 suspended BI officers na diumano ay sangkot sa pastillas scheme
  • Binigyan ng Pangulo ang bawat BI officer ng isang pastillas na ang laman ay pera
  • Inutusan niya ang mga ito na kainin ang “pastillas” ngunit hindi naman niya pinilit

 

Ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa isang meeting sa Malacañang ang apatnapu’t apat na opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na sinuspinde ng Ombudsman kaugnay ng imbestigasyon sa “pastillas” scheme.

Imahe mula sa PCOO

Matatandaang binalaan na ng Pangulo ang mga government personnnel at officials na sangkot sa korapsyon na ipakakain sa mga ito ang perang nakalimbat sa ilegal na aktibidad, partikular na ang mga immigration officers na pasimuno sa “pastillas.”

“Kung mahilig ka sa pera papakain ko sa ‘yo, ipapakain ko talaga sa iyo. Iyan ako. You will eat money in front of me. ‘Yan ang style ko,” banta ni Pangulong Duterte sa mga corrupt immigration officers noong nakaraang linggo.

Nito ngang Lunes, November 9, ay sinermunan niya ang 44 suspended BI officials.  Sa isang video makikitang binigyan ng tig-iisang pastillas ang lahat ng mga ipinatawag na BI officers. Ayon kay Department of Justice Secretary Menardo Guevarra, pera ang laman ng pastillas sa halip na matamis na kendi. Ipakakain daw iyon ng Pangulo sa mga BI officials.

Screenshot mula sa RTVM video

“Money had been rolled inside each pastillas, according to the President. He wanted them to eat the pastillas,” ani Sec. Guevarra.

Hindi naman daw pinilit ng Pangulo na ipakain ang pastillas na pera.

“Nagbigay po ng pangaral ang Presidente na talagang dapat matigil ang korapsyon na ito at ‘yung kaniyang pagbibigay naman ng pastillas, that’s also symbolic of his anger against corruption pero kagaya ng aking sinabi hindi naman po niya pinilit. He said, either you eat it or give it to the first beggar you see.  In the end, he stated that the cases had been filed and that they simply had to face them,” sabi pa ng Justice Secretary.

Presidential Photo

Ayon pa sa kalihim, wala ni isa sa mga BI officials ang nagtangkang silipin kung magkano ang perang laman ng pastillas. Wala rin daw ni isa na umimik habang nagsesermon ang Pangulo.

 

Loading…