Mga health workers nanawagang ibigay nang buo ang sahod at benepisyo

  • Umalma ang ilang mga health workers
  • Wala pa umano silang natatanggap na hazard pay at special risk allowance
  • Ang ilang mga contractual nurses ay wala pang natatanggap na sahod

Nananawagan ang ilang mga health workers na sana ay ibigay na ang ipinangakong hazard pay at special risk allowance sa kanila kaugnay ng pagresponde para sa mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.  Gayundin, hindi pa umano natatanggap ng ilang mga contractual nurse ang kanilang mga sahod.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, may ilang mga contractual nurses na patapos na ang kanilabg kontrata subalit wala pa ring natatanggap na buwanang suweldo. Umabot pa umano sa pagkakataong nagmamakaawa na ang mga ito para lamang makuha ang kabayaran sa kanilang serbisyo sa kabila ng panganib na mahawahan din ng virus habang ginagampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin para sa bayan.

Public Domain Image

Noong Lunes, Nobyembre 16, 2020, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang administrative orders No. 35 at 36 kaugnay ng matatanggap na hazard pay at special risk allowance para sa mga health workers.

Sa ilalim ng administrative order No. 35, may 3,000 pisong hazard pay ang mga health workers kada buwan. Sa administrative order No. 36 naman, may hiwalay rin silang special risk allowance na hindi lalagpas sa 5,000 piso.

Nakasaad naman sa Republic Act 7305 o “Magna Carta of Public Health Workers” ang Section 20 na nagpapaliwanag hinggil sa hazard allowance.

Naungkat umano sa budget hearing ng Department of Health o DOH sa Senado na 16,754 nurses ang hindi pa nababayaran ng hazard pay at special risk allowance dahil sa kakulangan umano sa pondo.

Tugon naman ng DOH, na-endorse na raw ang pondo sa mga regional offices mula sa Bayanihan 2 kung saan sakop ang mga benepisyo para sa mga health worker na nahawahan ng sakit.

Public Domain Image

Naglatag din ng memorandum ang DOH na suspindehin ang utos na ibaba ang ranggo ng ibang nurse na nasa mataas nang posisyon kahit pa man itinaas ang kanilang panimulang suweldo, batay na rin sa Philippine Nurses Act of 2002.

Loading…