Mga informal settlers naglipana na naman sa center island ng EDSA

Screenshot mula sa GMA video
  • Mga informal settlers sa EDSA dumarami na naman
  • Nagsagawa ng operasyon ang HPG at natuklasan na maraming naninirahan sa center island ng EDSA
  • Nanawagan ang HPG sa MMDA, DSWD at local government unit na magsagawa ng joint operation upang masolusyunan ang problema

Nagsagawa ng operasyon ang grupo ng Philippine Naitional Police Highway Patrol Group sa kahabaan ng EDSA upang paalisin ang mga informal settlers na ginawa nang tirahan ang center island ng highway katabi ng EDSA Busway.

Screenshot mula sa GMA video

Pinangunahan ni Police Colonel Oliver Tanseco, hepe ng HPG National Capital Region, ang operasyon noong Martes, November 24.

“Allow me to report on my inspection of the Busway at around 9:30 p.m. today, 24 November 2020, of the presence of informal settlers living along the island of the busway,” ani Col Tanseco sa kanyang mensahe sa mga mamamahayag.

Ang mga informal settlers EDSA center island ay natagpuan sa tapat ng SM North Edsa, Muñoz at sa Bagong Barrio sa Quezon City.

Karamihan umano sa mga ito ay nanggaling pa sa mga probinsya na nagtungo sa Kamaynilaan para sa pangarap na magandang buhay.

“Mas maganda kasi ang pamumuhay dito. Magtumpok  ka lang ng ilang paninda may pera ka na,” sabi ng isa sa mga informal settlers na natagpuan ng grupo ng HPG.

Screenshot mula sa GMA video

Inirekomenda ni Col. Tanseco na magkaroon ng joint operation ang local na pamahalaan, Metropolitan Manila Development Authority at Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang paalisin ang mga naninirahan doon upang maiwasan ang mga sakuna.

Samantala, nanawagan ni MMDA EDSA traffic czar Col. Bong Nebrija sa DSWD na hanapan ng permanenteng solusyon ang mga informal settlers sa EDSA. Aniya, ilang beses na rin silang nagsagawa ng rescue sa mga tao roon, subalit kinabukasan ay bumabalik ulit ang mga ito.

Imahe mula sa Top Gear PH

Loading…