Mga kaawa-awang magsasaka sa Albay, bilihan ng palay P7 per kilo na lang

Screenshot mula sa ABS-CBN video
  • Sumadsad ang presyo ng palay kasunod ng pananasala ng bagyong Rolly
  • Sa Polangui, Albay ay P7 kada kilo na lang ang bentahan ng palay
  • Naghanda naman ng P100 million ang Department of Agriculture para sa ayuda at pautang na walang interest sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng bagyo

Sumadsad ang presyo ng bilihan ng palay sa Polangui, Albay kasunod ng pananalasa ng bagyong Rolly kaya naman hindi malaman ng maraming magsasaka roon kung paano nila  mababayaran ang inutang na puhunan para makapagtanim at makabili ng fertilizer.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Ilang magsasaka ang nakapag-ani bago pa man dumating ang bagyo ngunit mayroong iba tulad ni Mang Renato Rebamba na hindi nakapag-ani kaya’t nasalanta ang mga pananim na palay.

Sabi ni Rebamba, hindi na lang niya ipagbibili ang kakaunting palay na naisalba niya dahil napakababa ng bentahan nito ngayon – P7 kada kilo. Aniya, gagawin na lang niyang bigas ang palay at itatabi para makain ng kanyang pamilya.

“Plano ko bigasin ko na lang. Mababa ang presyo kasi. Plano ko i-stock na lang kaysa ibenta nang mura. P7 daw ngayon (kada kilo),” wika ng magsasaka.

Sa pagdalaw ni Department of Agriculture Secretary William Dar sa Albay, sinabi niya na may inihahandang tulong ang ahensya para sa mga magsasakang naapektuhan ng bagyo.

Mula P10,000 hanggang P15,000 ang ibibigay na tulong sa bawat magsasaka bukod pa sa pautang na P25,000 na walang interest at maaaring hulugan sa loob ng sampug taon.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Naglaan ang Agricultural Credit and Policy Council ng Department of Agriculture ng P100 million sa ilalim ng Survival and Recovery Loan Program nito para sa mga apektadong magsasaka at pati na mga mangingisda.

Ang mga palay na nabasa at natabunan ng mga putik na hindi na mapapakinabangan ng tao ay bibilhin pa rin umano ng Department of Agriculture at ng National Food Authority para gawing feeds o pagkain para sa mga hayop.

Screenshot mula sa ABS-CBN video
Source :

YouTube, PIA

Loading…