Mga katanungan tungkol sa RFID sinagot ng DOTr upang ibsan ang pag-aalala ng mga motorista

Imahe mula sa NLEX
  • Sinagot ng DOTr ang mga mahahalagang katanungan hinggil sa RFID installation at deadline para sa cashless tollway transactions
  • Ang paglilinaw na ginawa ng DOTr ay upang ibsan ang mga pag-aalala ng mga motorista dahil sa nalalapit na implementasyon ng cashless toll transactions sa December 1, 2020
  • Sinabi ng ahensya na tuloy pa rin ang planong interoperability ng RFID systems ng SMC at MPTC toll operators

Ilang araw na lang ay ipatutupad na ang cashless transactions sa mga expressways sa kabila nang napakarami pang mga motorista ang hindi nakakabitan ng Radio Frequency Identification (RFID) tags o sticker.

Imahe mula sa DOTr

Sa layuning maibsan ang mga pag-aalala nang mga motoristang wala pang RFID ay sinagot ng Department of Transportation (DOTr) ang mga katanungan hinggil dito lalo na’t naibalita noon na sisimulan sa December 1 ang pagmumulta sa mga dadaanan sa RFID lane nang walang RFID tag.

Nilinaw ng DOTr na wala pang paniniket at pagmumulta na mangyayari dahil sisimulan iyon sa January 11, 2021. Ituturing umanong transition period ang December 1, 2020 hanggang January 11, 2021.

Ipinaliwag ng ahensya na ang December 1 deadline ay hindi para sa mga motorista kundi para sa mga exressway operators na lumipat na sa cashless payment. Ang installation ng RFID tags ay tuluy-tuloy kahit lampas pa ng January 11, 2021,lalo na para sa mga first-time users ng exprsswway at mga bagong biling sasakyan.

Sinabi ng DOTr na pwede ang online appointment sa pagpapakabit ng RFID. Simula December 1 ay iko-convert ang ilang toll booths para gawing RFID installation lanes.

Imahe mula sa DOTr

At kung ay RFID tag ang sasakyan subalit kulang o wala nang load ay hindi pa rin ito pagmumultahin habang nasa transition period pa. Papayagan pa rin itong pumasok ng expressway, pero kailangan munang magpa-load sa toll booth. Maraming reloading sites para sa Autosweep RFID at Easytrip RFID, bukod sa mga toll booths.

Kahit ang mga naninirahan sa probinsya na minsan lang gagamit ng expressway ay kailangang magpakabit ng RFID. Wala namang expiration ang RFID load.

Sinagot din ng DOTr ang planong interoperability ng RFID tags. Tuloy pa rin umano ito na nahahati sa 3 phases.

Imahe mula sa DOTr

Ang 1st phase ay ang implementasyon ng cashless payment. Ang 2nd phase ay gagawing readable sa dalawang expressway systems (ang SMC-opetrated tollways at MPTC-operated tollways) ang iisang RFID tag pero kailangang ang magkahiwalay na account para sa paglo-load.

Ang 3rd at last phase nito ay gagawing “one RFID tag at one wallet” na ang ibig sabihin ay isang RFID account na lang ang kailangang lagyan ng load upang maiwasan ang pagkalito.

Sinabi ng DOTr na ang cashless transaction sa tollways ay isinusulong upang maiwasan ang transmission ng COVID-19 sa pagitan ng tellers at mga motorista.

Imahe mula sa DOTr

 

Loading…