Mga lokal na turista maaari na ulit mag-surfing sa Siargao

  • Bukas na ang Siargao para sa mga lokal na turista
  • Kailangang sumunod ang lahat sa mga health restrictions
  • Itinuturing ang Siargao bilang “Surfing Capital of the Philippines”

Muli nang binubuksan sa mga lokal na turista ang tinaguriang “Surfing Capital of the Philippines” na Siargao na matatagpuan sa Surigao Del Norte, na magsisimula sa Lunes, Nobyembre 23, upang muling pasiglahin ang industriya ng turismo, na lubhang napilayan dahil sa pandemya.

“This is encouraging news for everyone who loves the sea, especially the surfers. As Siargao reopens to travelers, subject to minimum health and safety standards, the people of the island will regain their livelihood and share their paradise to our kababayans once more with the same level of hospitality they have always been known for,” pahayag ng Department of  Tourism o DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Public Domain Image

Nauna nang magbukas sa mga lokal na turista ang Baguio City at Boracay, dalawa sa mga pinakasikat na tourist attraction sa Pilipinas, basta’t mahigpit lamang na susundin ang mga health restrictions upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa naturang mga lugar.

Ang mga flights naman daw ay muling magbabalik sa operasyon sa Disyembre 1 upang maenjoy ng mga turista ang “world-class” na puting buhanginan sa dalampasigan, mga likas na kabatuhan at yungib, pagtanaw sa paglubog ng araw sa kanluran, at mga surf spots.

Ang mga turistang papasok sa Surigao City at lalapag sa Sayak Airport ay kinakailangang magsumite ng e-Health Pass, negative RT-PCR test na resulta mula sa dalawang araw ng pagkuha nito mula sa point of origin, at limang araw na confirmed booking sa accommodation facility na kredito ng DOT, gayundin ang round-trip tickets at itinerary details.

Sa pag-alis naman mula sa Siargao, kailangang negatibo ang maging resulta ng antigen swab test bago payagang makaalis ng Siargao.

Public Domain Image

Ang mga turista namang magmumula mismo sa Surigao Del Norte ay kinakailangang may valid ID, e-Health Pass, barangay certification na ang turista ay hindi nakihalubilo sa sinomang taong may kaso ng COVID-19 , at kumpirmadong booking mula sa DOT-accredited establishment. Ipatutupad naman ang curfew mula 11:00 nang gabi hanggang 4:00 nang madaling-araw.

Ang development na ito ay suportado ng mayor ng bayan ng General Luna na si Mayor Cecilia L. Rusillon matapos niyang magbigay ng local executive order hinggil dito.

Loading…