Mga mamimili dumagsa sa Divisoria; physical distancing hindi na nasunod

  • Dagsa ang mga mamimili sa Divisoria
  • Nagsagawa sila ng maagang holiday shopping
  • Hindi na halos pinapansin ang physical distancing

Mukhang hindi talaga paaawat ang ilang mga Pilipino sa paghahanda para sa nalalapit na pagdiriwang ng Kapaskuhan kahit na may pandemya, na kung tutuusin, optimistiko naman dahil ipinakikita nitong kahit na anomang pagsubok ang dumating, tuloy-tuloy lamang ang pamumuhay ng mga tao, at nakikita pa rin ang kahalagahan ng paggunita sa kapanganakan ng Panginoong Hesukristo.

Pinatunayan iyan nitong Sabado, Nobyembre 21, matapos maispatan ang mga dagsang mamimili sa Divisoria, Maynila, para sa maagang holiday shopping.

Imahe mula sa Facebook account ni Jirume Manta

Kapansin-pansin sa mga ibinahaging larawan ng concerned netizen na nagngangalang “Jirume Monta” na bagama’t nakasuot naman ang lahat ng face mask, hindi na pinapansin ang distansiya sa isa’t isa o physical distancing, na isa sa mga health protocols upang mapigilan ang hawahan ng COVID-19.

Nagbabala ang mga eksperto na posibleng tumaas pa ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa pagpasok ng Disyembre, dahil nga sa holiday, kung ganito ang magiging senaryo.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“It seems that we are back to normal, just the government officials are too busy fighting amongst themselves about how good they are to actually realize what is really happening. Maawa naman po tayo sa mga frontliners natin, halos hindi na sila mapahinga sa COVID-19,” wika ng isa.

Turan naman ng isa, “The long quarantines should have at least taught all of us what is really the most important in life. Ang tagal nating natengga sa bahay, daming oras para magmuni-muni, mag-isip ng mga reasons we are in this health crisis. No wonder hindi matapos-tapos ang covid dahil it seems hindi pa rin tayo natututo.”

Imahe mula sa Facebook account ni Jirume Manta

“Itigil na muna natin ang nakagawiang long Christmas. Unahin muna natin ang kaligtasan nating lahat sa virus. Mas masayang mag-Pasko na walang takot at pangamba na mahahawa ng COVID-19,” dagdag pa.

Samantala, wala pang pahayag ang lokal ng pamahalaan ng Maynila hinggil dito.

Loading…