Mga mayors hiniling na panatiliin ang GCQ sa Metro Manila hanggang matapos ang taon

Imahe mula kay San Juan City mayor Francis Zamora
  • Umapela ang Metro Manila mayors na panatilihin ang GCQ sa rehiyon hanggang matapos ang taon
  • Ang apela ng mga alkalde ay ginawa bago pa mag-anunsyo si Pangulong Duterte ng mga pagbabago sa quarantine classifications sa Lunes, November 30
  • Nangangamba ang mga alkalde na tumaas ang mga bagong kaso ng COVID-19 kapag niluwagan ang quarantine protocols sa Metro Manila

Bago pa mag-anunsyo si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga gagawing pagbabago sa quarantine classifications sa Lunes, November 30, inirekomenda na ng mga alkalde sa Metro Manila na nais nilang panatiliin ang general community quarantine (GCQ) sa kanilang rehiyon hanggang sa matapos ang 2020.

Imahe mula kay San Juan City mayor Francis Zamora

Ipinahayag ni Secretary Carlito Galvez, ang chief implementer ng national COVID-19 policy ng bansa na ang apela ng Metro Manila Council, na binubuo ng lahat ng mayors ng Metro Manila, sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Mangement of Emerging Infectious Diseases ay huwag munang ipatupad ang mas maluwag na modified general community quarantine (MGCQ) sa kanilang rehiyon.

“Nag-uusap po kami ng mga mayors, talagang very cautious sila na magkaroon ng MGCQ dito sa Manila. Ang recommendation po nila, just in case magkaroon po ng easing of restrictions, maybe next year after the holidays,” wika ni Sec. Galavez.

Katwiran ng mga alkalde, gusto nilang panatiliin ang GCQ hanggang matapos ang taon upang hindi maging kampante ang mga residente at balewalain ang minimum health standards ngayong paparating na ang holiday season.

Posible umanong biglang tumaaas ang bilang ng mga bagong COVID-19 cases sa darating na kapaskuhan.

Imahe mula sa NEDA

Aminado si Sec. Galvez na posibleng mangyari ang kinatatakutan ng mga Metro Manila mayors dahil maraming reunion na isinasagawa ang mga pamilya at maraming mga mall events sa ganitong panahon. Nabigyan naman ng order ang mga law enforcers na maging mahigpit sa pagpapatupad ng health protocols.

Ngayon na talagang may mga sales, magkakaroon po talaga ng pagdagsa ang mga tao dito sa mga malls. Pinapaalalahanan po namin ang mga mall owners na magkaroon ng stricter implementation through their marshalls. It is very eminent na tataas talaga ang mga kaso,” ani Sec. Galvez.

Nauna nang nagpatupad ng caroling ban ang Metro Manila Council dahil napatunayan na ang pagkanta ay malakas magpakalat ng virus.

Imahe mula sa RMN

Loading…