Mga millennials hinihikayat na pasukin ang makabagong paraan ng pagsasaka

Imahe mula sa Agriculture Monthly
  • Hinihikayat ng Department of Agriculture ang mga millennials na pasukin ang pagsasaka gamit ang mga makabagong pamamaraan
  • Malapit nang magretiro ang mga matatandang magsasaka at kailangan ang bagong henerasyon ng modernong magsasaka
  • Target ng Department of Agriculture na gawing competitive at science-and-technology backed ang farming sector ng bansa

Target ng pamahalaan na baguhin ang local farm sector upang maging competitive at science-and-technology backed industry na pamamahalaan ng mga bata at makabagong Pinoy farmers. Ito ay dahil ilang panahon na lang ay magreretiro na ang mga magsasaka ng bansa dahil sa kanilang edad na ang average ay nasa pagitan ng 57 at 60 years old.

Imahe mula sa WWOOF

“Today, the average age of our farmers ranges from 57 to 60 years, meaning it will be only a matter of time before they retire, and thereafter we see a decline in the 10-million farmer workforce that feeds our countrymen. Engaging the youth is imperative to sustain our progress towards a fully food-secure nation,” ayon kay Department of Agriculture Secretary William Dar.

At upang maakit ang mas batang henerasyon na pasukin ang pagsasaka, ang Department of Agrivulture ay sasabak sa isang technological transformation program na tinatarget ang Agriculture 4.0 (fourth agricultural revolution).

Ang Agriculture 4.0 ay tinatawag ding “smart farming” at “agriculture digitalization” na gumagamit ng digital technology para maging mas mataas ang produksyon mula sa mas mababang puhunan.

“The best way to keep the wheels of innovation moving is by influencing the younger generation to take interest in the vast and fascinating world of science. We wish to see young Filipino farmers and agripreneurs help Philippine agriculture shift from traditional farming into a modern, industrialized and competitive sector that employs innovative approaches and modern technologies,” sabi pa ng kalihim.

Imahe mula sa Department of Agriculture

Planong gamitin sa Agriculture 4.0 ang mga modernong teknolohiya gaya ng hydrophonics, genetic modification, blockchain, drone, powerful data analytics at nanotechnology upang maitaas at maging tuluy-tuloy ang food production, ang kalidad ng mga pagkain at ang kita ng mga magsasaka.

Loading…