Mga netizens nanawagang huwag i-promote ang “Filipino resiliency”

  • Isa sa mga magagandang katangian ng mga Pilipino ang “resiliency”
  • Ito ay tumutukoy sa pagiging optimistiko o positibong pagdiskarte at pagtanggap sa mga pagsubok na kinahaharap, at pagbangon dito
  • Subalit ayon sa ilang mga netizens, panahon na raw upang huwag namang laging i-promote ito

Isang mabuting katangian ng mga Pilipino ang pagiging “resilient” o mabilis na nadidiskartehan ang mga bagay-bagay upang mailigtas o malampasan ang isang pagsubok na kinahaharap nang may ngiti sa kanilang mga labi, at muling makabangon.  Ito ay isang optimistikong gawi na talaga namang maipagmamalaki sa ibang panig ng mundo.

Iyan ang itinampok ng netizen na nagngangalang “Adorah Min” sa kaniyang Facebook post, noong kasagsagan ng pananalasa ni “Ulysses” sa bansa, noong kalagitnaan ng Nobyembre.

Imahe mula sa Facebook account ni Adorah Min

“Their smiles, one of the Filipino traits, kahit anong hirap pa ang pagdaanan kaya pa rin ngumiti,” saad ng kaniyang caption, kalakip ang dalawang larawan ng mga taong nakangiti pa rin kahit halos lagpas-tao na ang baha kung saan sila nakalusong.

Subalit ayon sa ilang mga netizens, panahon na raw upang huwag namang laging i-promote ang resiliency dahil hindi naibibigay ang pinakamaganda at pinakamabisang serbisyo sa mga tao, na dapat ay ibinibigay ng pamahalaan.

“I am glad to see resilient Filipinos, I really do, but I had enough of it and want to see real actions and find a resolution for the remaining two years of his term,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “I’m tired of seeing resiliency portrayed on Filipinos during calamities like these, so please stop saturating social media platforms with ‘good vibes only posts’  because we have all the right to be enraged in times like these. RESILIENCY OBSCURES STATE’S BLATANT NEGLECT. FILIPINOS DESERVE SO MUCH BETTER.”

“Yes, we salute them for the idea that they’ve lost almost everything and they still have the courage to smile but idealizing and romanticizing this trait? That’s a big no, kaya inaabuso ng gobyerno ang mga taong ito eh. Filipinos deserve and can do better. Just saying,” pahayag naman ng isa.

Public Domain Image

Ganiyan din ang tugon ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo ng Iloilo City sa panayam sa kaniya ng batikan at premyadong journalist na si Jessica Soho, sa kaniyang award-winning news magazine show na “Kapuso Mo Jessica Soho.”

“Yung resiliency, parang over-used siya, to the point na sometimes we don’t look at the problems to find the solution. We just tell other people na ‘All we need to do is have a positive mindset, and we’re gonna overcome this.’ But where are the tangible programs to help the people affected by situations?”

“So yes, iba pag may positive outlook. But kailangan natin magkaroon ng tangible and visible solution. Hindi tayo magle-learn, hindi mapapabuti yung community natin if puro resiliency na lang,” diretsahang sagot ni Mateo.

Public Domain Image

Ikaw, ano ang saloobin mo hinggil sa Filipino resiliency?

Loading…