Mga netizens napa-wow sa puberty transformation ni Goin’ Bulilit child star Clarence Delgado

  • Binatilyo na si Clarence Delgado
  • Siya ang cute na cute na chubby child star sa Goin’ Bulilit
  • Naging positibo naman ang pagtanggap dito ng mga netizens

Kay bilis ngang uminog ng panahon, at isa sa mga hindi mapipigilan ng sinoman ang mabilis na paglaki ng mga dating child star. Saglit lamang silang nawala sa limelight, at kapag lumabas na ulit sila at nasilayan ng ating mga mata, magugulat tayo sa kanilang puberty transformation.

Isa na riyan si “Goin’ Bulilit” child star Clarence Delgado na talaga namang ginulat ang publiko sa kaniyang mga Instagram posts na nagpapakita ng kaniyang pagbabago dulot ng puberty stage o pagbibinata. Hindi na siya ang dating chubby bulilit star dahil pumayat na siya na bumagay naman sa kaniya. Sabi nga nila, ‘binatang-binata na!’

Imahe mula sa Instagram account ni Clarence Delgado

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens.

“What a glow up, Clarence! Cute na cute ako sa iyo dahil tabachingching ka pero look at you now—fine gentleman ka na! Keep up, dude!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Maganda ang naging epekto sa kaniya ng puberty changes. Bagay sa iyo ang slim, na-enhance ang body features mo.”

“Ang cute mo pa rin Clarence kahit big boy ka na. I miss watching Home Sweetie Home na. Ingat ka lagi ha? And your family too. Be a good boy always,” saad naman ng isa.

Nagsimula sa showbiz si Clarence noong 2011 nang tanghalin siyang “Male Winner” sa Star Circle Quest 2011, at napasama sa kiddie gag show na Goin’ Bulilit ng ABS-CBN.

Siya rin ay lumabas sa mga episodes of Maalaala Mo Kaya at Wansapanataym. Naging bahagi rin siya ng mga teleseryeng Budoy (2011), Kung Ako’y Iiwan Mo (2012), Ina, Kapatid, Anak (2012), The Legal Life (2014), at remake ng Pangako Sa ‘Yo (2015). Naging kiddie correspondent din siya sa morning show na Umagang Kay Ganda.

Imahe mula sa Instagram account ni Clarence Delgado

Kabilang din siya sa mga pelikulang “Wayback Home” (2011), The Mistress (2012), “Pagpag: Siyam Na Buhay” (2013), at “Can’t Help Falling In Love” (2017).

Ang 15 taong gulang na si Clarence ay hindi muna napapanood ngayon sa telebisyon magmula nang ipinatupad ang community quarantine at hindi ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN, subalit ipinangako ni Clarence na babalik din siya sa limelight at nakaabang na sa kaniya ang isang proyekto.

Loading…