Mga netizens natuwa sa pagiging masyadong transparent ni Mayor Vico Sotto

  • Naaliw ang mga netizens kay Mayor Vico Sotto
  • Napaka-transparent daw kasi nito
  • Pati mga surpresang magaganap sa kaniyang lungsod, sinasabi

Isa sa mga tinitingalang city mayors ngayon sa National Capital Region, at maaaring maging sa kasalukuyang kalagayan ng pamamahala sa Pilipinas, ay si Pasig City Mayor Vico Sotto, na unang araw pa lamang sa kaniyang puwesto ay kinagiliwan na ng mga Pasigueno dahil sa pagiging “hands on” mayor niya sa pamamahala. Marami ang natutuwa sa kaniyang kahusayan bilang alkalde, kahit na bagito pa lamang siya sa naturang katungkulan.

Kaya naman, kinagiliwan ng mga netizens ang pagiging masyadong transparent o tapat ni “Mayor Vivico” na ibinahagi ng isang mamamayan ng Pasig na si “Jobelle Ann.” Ibinahagi niya ang screenshot ng Twitter post ni Mayor hinggil sa surpresang magaganap sa naturang lungsod sa a-13, na inihayag sa Facebook page ng Pasig City Public Information Office.

Imahe mula sa Facebook account ni Jobelle Ann

“Sobrang TRANSPARENT talaga ng Mayor namin. Pati surprise binabanggit, laugh trip ka Sir Vico Sotto,” ayon sa Facebook post ng naturang netizen.

Makikita kasi sa post ng PCPIO na may mangyayari sa lungsod sa darating na Nobyembre 13, 2020, na maituturing na Friday the 13th. Tinanong ng isang Twitter user kung tungkol saan ito. Bagay na sinagot naman kaagad ni Mayor Vico.

“Ah lighting lang ng Christmas lights may kaunting virtual program… bawal pa Christmas party eh,” tugon ni Mayor Vico.

Natatawang tumugon naman dito ang mga netizens.

“Si Mayor basag-trip, sinabi kaagad hahaha,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Most awaited November 13! Feeling so much excited. God bless, Mayor for doing right things for the Pasiguenos. Kudos! May hope pa ang Pilipinas!”

“Wow, Lodi! Napaka-transparent mo po talaga, kahit ang mga surpresa ay nasasabi na kaagad hahaha. That means hindi ka talaga marunong magsinungaling. You were raised well by your parents,” pahayag naman ng isa.

Dahil dito, may pabirong caption tuloy ang PCPIO sa kanilang countdown sa magaganap sa Nobyembre 13, 2020.

Imahe mula sa Pasig City Public Information Office / Public Domain Image

“Excited na para sa 11/13/2020? Tumutok sa Facebook Page ng PIO para sa updates, pwede rin sa Twitter ni Mayor Vico Sotto for spoilers!” ayon sa Facebook post.

Kaya lang, wala nang surpresa dahil sinabi na nga ni Mayor Vico, hindi ba? Abangan na lamang kung ano-ano ang mga mangyayari sa virtual program at Christmas lighting!

Loading…