Mga pamilya sa isang subdivision sa Batangas na-trap sa malalim na baha, rescue operation inilunsad

Imahe mula sa PHilippine Red Cross
  • Naglunsad ng rescue operation ang Philippine Red Cross, Philippine Coast Guard at lokal na pulisya sa isang subdivision sa Batangas
  • Umabot sa tatlong metro ang lalim ng baha sa ilang bahagi ng subdivision
  • Ligtas namang nailikas ang mga residenteng na-trap sa malalim na baha

Tatlong daang pamilya ang ni-rescue sa isang subdivision sa Batangas City na nagmistulang lawa dahil sa baha na umabot sa tatlong metro ang taas dulot ng bagyong Rolly.

 

Imahe muila sa PRC

Ibinahagi ng Batangas City local government ang isinagawang rescue operation sa Tierra Verde Subdivision sa Barangay Pallocan West.

Kabilang sa mga nagsagawa ng rescue operation ang mga volunteers mula sa Philippine Red Cross, mga tauhan ng Philippine Coast Guard, lokal na pulisya at mga bumbero. Ito ay matapos manawagan ang Batangas Disaster Risk Reduction and Management Council sa pangunguna ni Lito Castro sa karagdagang volunteers upang tulungan angmga residente ng Tierra Verde.

Aniya, tinatayang 300 families ang bilang ng mga residente sa naturang subdivision, pero kailangan pa umanong i-verify kung ilan ang apektado ng baha.

Ayon kay Castro, umabot sa hanggang beywang ang lalim ng baha sa Tierra Verde, subalit may ilang residente ang nag-report na umabot na ang tubig sa ikalawang palapag ng kanilang mga tahanan at sa bubong ng mga sasakyan.

Kuwento ng isang ginang na residente ng subdivision, paalis na sana sila ng mga anak sa kanilang bahay nang mamataan nila na tumataas na ang tubig sa ilog sa Tabi ng Tierra Verde. Aniya, hindi na sila nakalabas ng bahay.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

“’Yung iba po kasi nakalikas agad noong nakita nila na ‘yung ilog tumataas na. Tapos kami pong mag-iina, aalis na po sana kami ng bahay, bigla po siyang bumulusok po talaga, hindi na ho kami makalabas. Nakita ho talaga namin na ‘yung mga bahay, lumulubog na ho,” wika ng ginang na nakilalang si Vanessa Cleofe.

Makalipas ang ilang oras ay agad namang humupa ang baha. Batay sa report ng Philippine Red Cross Batangas Chapter ligtas na ang mga residente sa lugar.

Source :

Inquirer, ABS-CBN

Loading…