Mga prutas na katutubo sa Pilipinas napag-alaman ng UPLB researchers na sagana sa anti-oxidants

Imahe mula sa Business Diary
  • Ilang prutas na indigenous sa bansa ang napag-alamang sagana sa anti-oxidants
  • Ang anti-oxidants ay mga molecules na nilalabanan ang mga free radicals sa ating katawan
  • Ang mga prutas na ito ay ang binukaw, as-is, kamansi, kolong-kolong, niyog-niyogan, paho, sampinit at pili

Napag-alaman ng mga mananaliksik mula sa University of the Philippines-Los Baños (UPLB) na ang ilan sa mga katutubong prutas sa Pilipinas ay sagana sa anti-oxidants.

Imahe mula sa UPLB

Ang anti-oxidants ay mga molecules na nilalabanan ang mga free radicals sa ating katawan. Ang mga free radicals ay compounds na nagdudulot ng pinsala kapag ang lebel ng mga ito sa ating katawan ay masyadong mataas.

Ang free radicals ay palaging nabubuo sa ating katawan at kung walang anti-oxidants, ang mga ito ay magsasanhi ng grabeng pinsala na tiyak na magreresulta sa ating pagkasawi.

Ang World Health Organization at ang Department of Health ay walang tigil sa pagbibigay ng paalala sa publiko na ugaliin ang healthy diet upang makaiwas sa mga sakit tulad ng umiiral ngayon na COVID-19.

Isang paraan upang makamtan ito ay ang pagkain ng maraming prutas at gulay na sagana sa anti-oxidants, kabilang dito ang binukaw, as-is, kamansi, kolong-kolong, niyog-niyogan, paho, sampinit, pili, at bignay na ginawan ng pag-aaral ng mga chemists ng UPLB.

Sa siyam na prutas na nabanggit, ang paho, binukaw at as-is ang may pinakamaraming anti-oxidants.

Imahe mula sa Our Philippine Trees

Ang paho, na kadalasang pinagkakamalang mangga ay tinatawag din na pahutan. Maaaring kainin ng hilaw o gawing sangkap sa salad. Marami nito sa Cavite at Batangas.

Ang binukaw, tinatawag ding batuan, ay ginagamit na pampaasim sa ilang pagkain, lalo na sa Visayas. Samantalang ang talbos naman ng as-is ay paboritong iluto sa Bicol.

Imahe mula sa BAR

Ang bignay ay ginagawang jam at suka. Ginagawa rin itong alak. Mayroon itong pain-relieving properties.

Ang kamansi ay kahalintulad ng langka na ginagayat nang manipis at ginagataan.

Ang kabuyaw o kolong-kolong ay ginagawang inumin o juice na maasim, pero vitamin-rich. Ang sampinit naman ang itinuturing na local wild raspberry na kadalasang makikita sa Quezon at Laguna.

Imahe mula sa Amazing Health Benefits

Ang niyog-niyogan na endemic sa Bicol ay may mataas na cardiac glycosides na nagpapalakas ng pwersa ng cardiac contraction.

Sa siyam na nabanggit, ang pili ang marahil ay pinakapopular. Madalas kasi itong ipasalubong ng mga taong nanggagaling sa Bicol.

Imahe mula sa Shopinas

 

Loading…