Mga residente ng Cagayan gustong idemanda ang Magat Dam management dahil sa taun-taong pagbaha

Screenshot mula sa ABS-CBN video
  • Mga residente ng Cagayan nais sampahan ng kaso ang Magat Dam management
  • Sinabi ni Gov. Manuel Mamba na ilang taon na ring nananawagan sa kaniya ang mga residente na kasuhan na ang pamunuan ng dam
  • Bukod sa Cagayan, ang mga probinsyang Kalinga at Apayao ay apektado rin ng pagbaha sa tuwing nagpapakawala ng tubig ang Magat Dam

Tulad ng plano ng Marikina local government unit na idemanda ang pamunuan ng Angat Dam dahil sa hindi nito pagbibigay ng abiso na magre-release ng tubig na nagsanhi ng malawakang pagbaha, sinabi ni Cagayan Governor Manuel Mamba na gusto naman ng mga residente nila na idemanda ang Magat Dam management.

Imahe mula sa PCG

Sa isang panayam, sinabi ng gobernador na sa mga nagdaang taon ay palaging nananawagan sa kanya ang mga residente ng Cagayan na idemanda ang pamunuan ng Magat Dam dahil sa palaging pagbaha sa kanilang probinsya.

Aniya, ang panawagan na i-asunto ang Magat Dam management ay muling binuhay sa gitna ng malawakang pagbaha sa kanilang lugar sanhi ng pagpapakawala ng tubig sa dam dahil sa bagyong Ulysses.

“Minsan ang tao sa Cagayan, gusto nila magkaroon ng lawsuit against them for damages dahil wala naman kami nakikita na benepisyo sa amin sa Magat Dam o kahit ano, yet we suffer the flooding woes from the Magat Dam every year,” sambit ng gobernador.

“Ang Magat Dam kahit isang ektarya, walang nai-irrigate sa Cagayan. Iyong 80,000 hectares na nai-irrigate is all part of Isabela pero ang nagsu-suffer po ay Cagayan,” giit pa niya.

Sinabi pa ni Gov. Magat na bukod sa Cagayan, ang kalapit mga probinsyang Kalinga at Apayao ay lubhang naaapektuhan din ng pagbaha sa tuwing magpapakawala ng tubig sa Magat Dam.

Imahe mula sa Cagayan Provincial Information Office

 

Loading…