Mga sangkot sa “Pastillas scheme” pakakainin ni Pang. Duterte ng pera

Screenshot mula sa PTV video
  • Mga corrupt immigration officers na sangkot sa “pastillas scheme” aabot sa 70
  • Nagbabala si Pang. Duterte na ipakakain niya sa mga sangkot sa “pastillas” ang perang nakulimbat ng mga ito
  • Isiniwalat ni Sen. Risa Hontiveros na aabot sa halos P40 billion ang nakulimbat ng mga tiwaling immigration officers sa ilalim ng “pastillas scheme”

Muling pinaigting ni Pangulong Rodriugo Duterte ang kampanya upang masugpo ang korapsyon sa pamahalaan. Kabilang sa mga ahensya ng gobyerno na iniimbestigahan ay ang Bureau of Immigration kung saan maraming opisyal nito ang diumano ay sangkot sa “Pastillas” extortion racket.

Screenshot mula sa PTV video

Noong Lunes, November 2, sinabi ng Pangulo na nasa apatnapu’t limang Bureau of Immigration employees at officials na sangkot sa “pastillas” ang sinuspinde na ng Ombudsman at posible pa umanong umabot ito sa sitenta.

Sa ilalim ng modus, tumatanggap ng suhol ang mga tiwaling immigration officers mula sa mga banyaga kapalit ang madaling pagpasok sa bansa. Ang perang natatanggap ay ibinabalot sa bond paper at inirorolyo na parang kending pastillas.

“Itong pastillas, marami ito. Aabot ito ng mga 70.  Sa immigration, may mga ano diyan official, they are allowed 10 or 20 na pasok na walang ano, pero siyempre hihingi ng pera iyan. Iyan ang racket diyan. Maski iyong mga opisyal diyan,” wika ng Pangulo.

Hindi umano niya palalampasin ang katiwaliang ginagawa ng mga sangkot sa nasabing modus. Aniya, dahil mahilig sa pera ang mga tiwaling immigration officers ay ipakakain niya sa mga ito ang mga perang kanilang nakulimbat.

“Kung mahilig ka sa pera papakain ko sa ‘yo, ipapakain ko talaga sa iyo. Iyan ako. You will eat money in front of me. ‘Yan ang style ko,” banta ni Pangulong Duterte sa mga corrupt immigration officers.

Screenshot ng Abante front page

Sinabi pa ng Pangulo na posibleng masama at bawal sa batas ang gagawing pagpapakain ng pera, pero gagawin niya raw iyon.

“It is not nice. It is wrong. It could even be a criminal act but just the same I’ll do it,” aniya.

Nauna nang isiniwalat ni Senator Risa Hontoveros na aabot sa halos P40 billion ang nakulimbat ng mga corrupt immigration officers.

Loading…