Mga tamad at korap sa pamahalaan maaari nang ireklamo sa pamamagitan ng text message

Imahe mula sa Pixabay
  • Maaari nang magreklamo ang mga mamamayan kontra tiwali at korap na kawani at opisyal ng gobyerno sa pamamagitan ng text message
  • Ang text message na ipadadala ay libre
  • I-text ang reklamo sa 8888 Citizen’s Complaint Hotline

Mas madali na ngayon ang pagrereklamo laban sa mga tamad, tiwali at incompetent government officials at employees. Sa pamamagitan ng text message ay matatanggap na ng 8888 Citizen’s Complaint Hotline ang reklamo.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Noong Miyerkules, November 25, hinikayat ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang mga mamamayan na samantalahin ang paggamit ng bagong text service platform upang maiparating ang mga reklamo tungkol sa mga tiwaling opisyal at kawani ng pamahalaan, at mabagal na pagbibigay ng serbisyo.

“‘Yung mga gusto magreklamo sa anuman uri na concern nyo, ‘yun ang dapat gagawin n’yo pag may problema. Kahit sino itext n’yo sa amin, gagalaw kami,” wika ni Panelo

Libre at walang bayad ang bawat text message na ipadadala.

“Itong advisory na ito ay para sa inyong lahat. You can now raise your concerns and reports to the government sa papaanong paraan? I-text n’yo lamang po dito sa, tandaan n’yo ha, 8888 Complaint Hotline. Ano gagawin n’yo? I-text n’yo lang sa 8888. Send to 8888. Eto libre po ito, di kayo sisingilin dito,” aniya.

Upang maproseso, dapat ilagay sa text ang detalye ng reklamo.

Screenshot mula sa PTV News

“Unang-una ilagay ninyo ang inyong pangalan, magpakilala kayo. Although kung ayaw n’yo okay na rin. Sa akin kahit na walang pangalan basta nakita ko na may problema, fino-forward ko kaagad sa appropriate offices. Gumagalaw naman kaagad ‘yan,” ayon kay Panelo.

“Tapos after your name, ilagay nyo ang pangalan ng ahensya ng gobyerno, kung ano involve. BIR, Immigration, Customs, SSS, Office of the President, kahit saan, DENR, ilagay nyo. Tapos ilagay n’yo na kung ano ang reklamo n’yo.  Kung inerereklamo n’yo ‘yung isang tao, ‘yung opisina bakit? So huwag n’yo kalilimutan ‘yan, mabilis,” dagdag pa niya.

Imahe mula sa Yugatech

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sana raw ay magsilbi itong babala sa mga tiwaling kawani at opisyal ng pamahalaan dahil “one text away” na lang sila ngayon.

Maaring gamitin ang Globe o Smart sa pagpapadala ng text message.

Source :

PNA, Tribune

Loading…