Miracle: 3-anyos na batang babae na apat na araw sa ilalim ng gumuhong apartment, nakaligtas

Screenshot mula sa Global News video
  • Himalang nakaligtas ang tatlong taong gulang na batang babae na apat na araw sa ilalim ng gumuhong bahay sa Turkey
  • Natagpuang nasa maayos na kalagayan ang bata na nadaganan ng isang dishwashing machine
  • Sinabi ng rescue team na nakatulong ang dishwashing machine para maprotektahan ang bata sa pagguhong naganap

Sa gitna ng pagkawasak sa siyudad ng Izmir sa Turkey dulot ng malakas na pagyanig ng lupa, isang masayang tagpo ang pagkakaligtas ng search and rescue team sa isang batang paslit sa ilalim ng gumuhong apartment.

Screenshot mula sa Global News video

Ayda Gezgin ang pangalan ng batang babae, subalit tinawag ito ng mga opisyal ng Turkey bilang “our miracle” matapos nitong malampasan nang halos walang pinsalang natamo sa apat na araw na pananatili sa ilalim ng gumuhong istruktura.

Habang inaalis ang mga patung-patong na kongkreto mula sa mga gusaling gumuho, narinig ng isang rescue worker ang iyak ng bata. Agad ipinatigil ang pagtakbo ng mga equipment at iba pang gamit para magkaroon ng katahimikan upang matukoy ang pinanggagalingan niyon.

Nakita nila si Ayda na nasa ilalim ng isang dishwashing machine at puno ng alikabok ang buong katawan. Kinumusta ng leader ng rescue team ang kalagayan ng bata habang nasa ilalim pa ito ng mga guho at sumagot ng “I’m fine” sa wikang Turkish. Nagawa pa ng batang kumaway sa mga rescuers.

Screenshot mula sa Global News video

Naniniwala si Nusret Aksoy, ang leader ng rescue team, na nakatulong ang dishwashing machine para maprotektahan ang bata mula sa mga gumuhong kongkreto.

Habang inilalayo mula sa guho, humingi si Ayda sa isang medic ng yogurt drink at Turkish meatballs, hinanap rin niya ang kanyang ina, ngunit hindi ito pinalad na makaligtas. Ang ama at kapatid na lalaki ay nakaligtas dahil nasa labas sila ng bahay nang maganap ang lindol.

Screenshot mula sa Global News video
Source :

nPR, YouTube

Loading…