Miracle in Cell No. 7 ni Aga Muhlach mapapanood na sa online platform

Image by Aga Muhlach via Instagram
  • Miracle in Cell No. 7 ni Aga Muhlach, mapapanood na sa online platform na WeTV
  • Parang nae-excite daw gumawa si Aga ng mga pelikulang gusto niya talagang gawin dahil sa mga bagong platforms
  • Muling bibida si Aga sa remake ng isa pang South Korean movie sa susunod na taon

Ikinatuwa ng pamosong aktor na si Aga Muhlach na mapapanood na sa online streaming platform na WeTV ang pinagbidahang blockbuster Filipino film na Miracle in Cell No. 7. Ang nasabing pelikula ay halaw sa isang South Korean film na may kaparehong titulo.

Image by Aga Muhlach via Instagram

Pahayag ni Aga, parang nae-excite raw siyang muling gumawa ng mga pelikulang gusto talaga niyang gawin, pakiramdam niya ay may saysay at hindi na iisipin kung panonoorin ba ng tao dahil sa mga platforms kagaya ng WeTV. Kaiba umano ito sa paggawa ng pelikula in terms of ticket na nakamulatan niya kung saan ang market ay lumiliit na raw.

“I’m excited kahit in the near future gusto kong makagawa ng pelikula para dito,” sabi nito; tinutukoy niya ang WeTV.

Pagpapaliwanag pa niya, habang lumalawak ang audience sa mga online platforms ay lumiliit naman ang market sa mga sinehan. “Kasi isipin mo nga naman sa isang pamilya, kahit gustong gusto mong panoorin yung pelikula mo, kung sampu sila, P300 ang isang ticket so P3,000 pesos may pamasahe pa, mahirap talaga.”

Samantalang sa WeTV platform, aniya, ay maraming miyembro ng pamilya ang makakapanood ng maraming pelikula sa buwanang halaga.

“So nakalulungkot mang isipin. Kasi mahilig ako sa pelikula talaga, sa silver screen, hangga’t maaari hindi ako gumagawa ng TV talaga.”

Image by Aga Muhlach via Instagram

Kakaiba raw kasi ang pakiramdam kapag nagbabayad ang audience, nag-iipon at nagbibihis para manood ng pelikula. Natutuwa naman daw siya na may mga bagong platforms na lumalabas.

Karagdagan, nakatakdag gumawa muli si Aga ng pelikula sa 2021. Kagaya ng Miracle on Cell No. 7 ay remake din ito ng isang Korean movie. “Siguro ia-announce namin next year. Basta maganda yung pelikula na gagawin ko,” wika ni Aga.

Image by Aga Muhlach via Instagram

Loading…