Miss Universe PH 2020 Rabiya Mateo: “I will do my very best to bring home the 5th crown”

Image by Rabiya Mateo via Instagram
  • Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, nangakong gagawin ang lahat para maiuwi ang Miss Universe title at crown
  • Sinabi niyang nakatatanggap siya noon ng mga komento na hindi siya magwawagi
  • Pinalibutan ni Mateo ang sarili ng mga taong nais siyang manalo at pinaaalalahanan palagi ang sarili sa karangalang maaaring maibigay para sa Iloilo City

Nangako ang nanalong Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa mga kababayan na gagawin niya ang lahat para maiuwi ang pinakaaasam na ika-limang Miss Universe title at crown para sa Pilipinas. Nasabi ito ng 23-year-old beauty queen sa kanyang homecoming sa Iloilo City kamakailan.

Image by Rabiya Mateo via Instagram

Ani Mateo, “I will promise that I will do my very best to bring home the fifth crown for the Philippines but most especially for my Iloilo City.”

Pagkukuwento pa ng kasalukuyang Miss Universe Philippines, nagsimula siya bilang nobody sa pageant world pero buong puso ang pagnanais na manalo para sa mga kababayan.

“I remember I said ‘Make Iloilo proud’ on the first screening of Miss Universe Philippines, and to some I might dream an impossible dream.”

Nakatatanggap man umano siya noon ng mga komento mula sa iba na hindi siya mananalo, hindi siya nagpatinag; bagkus ay pinalibutan ang sarili ng mga taong nais siyang manalo at palaging pinaalalahanan ang sarili sa glory at honor na maibibigay sa Iloilo City sakaling manalo, at nanalo nga.

“And Iloilo City, we finally made it. And I offer this success to each and every one of you.”

Sa kasalukuyan ay mayroon nang apat na Miss Universe title holders ang Pilipinas. Ito’y sina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).

Image by Rabiya Mateo via Instagram

Samantala, tinawag din ni Mateo ang pansin ng mga kababayan para magbigay ng donations para sa mga nabiktima ng bagyo sa Luzon. Aniya, “I can’t completely celebrate and be happy on my birthday today knowing the situation of some Filipinos.”

Marami pang aktibidades ang naganap sa homecoming ng beauty queen na kinabibilangan ng isang motorcade kung saan tumanggi itong magpapayong para mas malinaw na makita ang mga kababayan.

Image by Rabiya Mateo via Instagram
Source :

PEP, Inquirer, PIA

Loading…