Misteryosong metal monolith natagpuan sa disyerto sa Utah

Screenshot mula sa video ng Utah Department of Public Safety
  • Misteryosong metal monolith sa gitna ng disyerto sa Utah nadiskubre
  • Inihalintulad ang metal na haligi sa “alien black monolith” na napanood noon sa pelikulang “2001: A Space Odyssey” noong 1968
  • Posibleng isang new wave artist daw ang naglagay ng misterysosong metal sa naturang lugar
  • Hindi inihayag ang eksaktong lokasyon ng misteryosong bagay upang hindi dumagsa ang mga tao na posibleng ma-stranded at kailanganin pang i-rescue

Sari-sari ang mga ispekulasyon kung saan nanggaling ang isang misteryosong bagay na nadiskubre ng ilang opisyal ng isang ahensya sa isang tagong bahagi ng red rock country sa Utah noong nakaraang linggo.

Screenshot mula sa video ng Utah Department of Public Safety

Isang makintab na metal na haligi ang nakitang nakabaon ang nakita ng mga opisyal ng Utah Department of Safety habang nagbibilang sila ng mga bighorn sheep sakay ng isang helicopter noong November 18, 2020.

Nagpasya silang bumaba upang siyasatin ang misteryosong metal monolith na inihalintulad nila sa “alien black monolith” na napanood sa isang science fiction movie noong 1968 – ang “2001: A Space Oddysey.”

Yari sa stainless steel, triangular ang hugis at may taas na labindalawang talampakan ang nakabaon sa lupang metal “obelisk.” Walang nakitang anumang indikasyon kung sino ang naglagay nito doon at kung ano ang dahilan.

Sa isang panayam, sinabi ng helicopter pilot na nagbibiruan sila na baka extraterrestrial ang pinanggalingan ng mistersoyong metal.

“We were kind of joking around that if one of us suddenly disappears, then the rest of us make a run for it,” sabi ng pilotong si Bret Hutchings.

Screenshot mula sa video ng Utah Department of Public Safety

Sabi naman ng isa, posibleng isang new wave artist ang naglagay nito sa lugar.

Ayon sa Department of Public Safety, ipinagbabawal ang paglalagay ng anumang istruktura o artwork sa mga public lands na pinamamahalaan ng estado nang walang awtorisasyon.

“It is illegal to install structures or art without authorization on federally managed public lands, no matter what planet you’re from,” pahayag ng ahensya na may himig ng pagbibiro.

Hindi inihayag ng ahensya ang eksaktong lokasyon ng metal monolith upang hindi dagsain ng mga tao. na posible umanong ma-stranded at kailanganin pang i-rescue.

Screenshot mula sa video ng Utah Department of Public Safety

Loading…